Just walk away
Talk is cheap. Sabi ng ilan. Ngunit kung mayroon man tayong dapat mapansin sa aklat ni Santiago, ito ay ang kahalagahan ng mga salita at ang mas malaking halaga ng pananahimik sa tamang oras.
Sa lahat ng kabanata ng kaniyang epistula, may turo si Santiago sa tamang gamit (at hindi paggamit) ng dila.
Ang dila ang behikulo ng isipan. Kung gusto nating magbahagi ng ating inisiip o kung gusto nating malaman ang iniisip ng iba, nagiging posible ito sa masining na paggamit ng dila.
Ngunit may mga pagkakataong mas maiging itikom ang bibig kaysa magsalita.
Kung kailan dapat magsalita at kung kailan dapat manahimik- karunungan ang magdidikta niyan.
Bagama't iba ang konteksto (ang konteksto ay ang paggamit ng gift of tongues), sinabi ni Pablong mas nanaisin niyang magsalita ng 5 salitang may kahulugan kaysa sa mgasalita ng libo-libong salita na walang kahulugan o walang nakakaunawa (to that effect).
Maraming organisasyon, kabilang na ang mga simbahan, ang nasira dahil hindi makontrol ang mga dila.
Tama lang na ini-associate ni Santiago ang maturidad o kasakdalan sa tamang gamit ng dila.
Minsan it is a better choice to walk away, whether literally or figuratively. Nakakapagod makipag-usap sa mga taong interesado lamang marinig ang kanilang boses kahit wala namang katuturan ang kanilang sinasabi.
Tila mga sanggol na salita nang salita, wala namang katuturan ang sinasabi. At least cute ang mga sanggol and we love to baby talk them. Pero ang sagwa sa isang matanda, lalo na matanda ng simbahan, ang salita nang salita nang walang katuturan.
Tila asong tahol nang tahol. Nagpapadalawang isip ka kung babatuhin mo ng tsinelas o hahayaan na lang. You don't want to hurt their feelings. Usually ang maingay ay very fragile.
Sa mga susunod na blogs, idevelop natin ang tema ng pananahimik.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment