Jesus defeated death

 

6 days bago siya patayin, nagpost si Charlie Kirk sa X ng, "Jesus defeated death so you can live."

Prophetic? 

Prophetic or not, the message is true and a message everyone needs to hear. 

Kung mayroon man tayong dapat matutunan sa nangyari kay Kirk, ito yun: ang buhay ay maikli, ang kamatayan ay sigurado at ang eternidad ay walang hanggan. 

Para sa mga mananampalataya, ang kamatayan ay pintuang naglilipat sa Cristiano diretso sa harapan ni Jesus. Ang pangako ay ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ang pangako ay ang sinumang manampalataya kay Jesus, siya man ay mamatay, siya ay bubuhayin muli. Ang pangako ay ang namatay ay wala sa kaniyang katawan pero harapan kay Jesus.

Lahat ito ay posible dahil ang kamatayan ay walang kapangyarihan sa mananampalataya kay Jesus. Namatay si Jesus upang bayaran ang kasalanan ng sanlibutan at upang gapiin ang kamatayan. Ang nanampalataya sa Kaniya ay hindi kayang ikulong ng kamatayan. 

Kung hindi ka mananampalataya kay Jesus, kung wala kang katiyakan ng buhay na walang hanggan, gamitin ninyo ang panahong ito upang magkaroon ng kasiguruhan. Manampalataya kay Cristo at magkaroon ng katiyakan ng buhay na walang hanggan. 

Ang mensahe ni Kirk ay dapat ikalat ng bawat isa. Ipaalala natin sa lahat na namatay si Jesus upang ikaw (ang manampalataya) ay mabuhay (magpakailan man- Juan 3:16). 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION