Hindi Ko kayo kilala
"I don't know you."
Siguro isa na ito sa pinakamasakit na salitang pwedeng marinig ng isang tao. Ang hindi ka kilalanin sa kabila ng nais mong makilala. At sobrang sakit kung ang magsalita ng mga salitang ito ay ang Panginoong Jesus mismo (tingnan sa Mateo 7).
Maraming tao ang nagnanais na mag-iwan ng bakas. Nais nilang ipaalam sa lahat na sila ay umiiral. Inabot nila ang pinakamataas na pwedeng maabot ng isang tao sa karunungan, sa kayamanan, sa kasikatan. Gusto nilang maabot ang itaas ng hagdan.
But what if nang maabot mo ang tuktok, nadiskubre mong ikaw ay nag-iisa? Na ito ay nakasandig sa maling haligi? At nag-aabang ang Panginoong nagsasabi, "I don't know you?"
What is the point of being famous om earth if heaven does not know your name?
Short answer: No point.
Anumang tagumpay na iyong naabot ay walang katuturan kung sa huli, itatakwil ka ng langit dahil hindi ka nanampalataya sa Panginoong Jesus.
Walang masamang maging mayaman, maging marunong o maging sikat. Indeed sa tamang konteksto ang mga ito ay makatutulong sa pagpalaganap ng evangelio.
Ngunit kung ang kayamanan, ang karunungan at ang kasikatan ay hahadlang sa iyo upang manampalataya sa Panginoon, ang mga ito ay walang kabuluhan.
Ang tunay na recognition worth having is recognition of Christ. Siguruhin nating nakasulat tayo sa Aklat ng Kordero bago natin ubusin ang ating buhay sa paghanap ng temporaryong pagkilala.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment