Forgive
To forgive is divine. Because it is against human nature to forgive. It takes divine strength to forgive someone who hurts you.
Madali sabihing, "I forgive you." Lahat tayo nabitiwan ang mga salitang ito at one point or another. But deep within we simmer.
It is easy to forgive by mouth but not by heart.
Sinasabi nating napatawad na natin ang isang tao but within, nire-replay natin ang offense. We are taking vengeance within our minds by thinking about his hurt. Civility forbids as to actualize, but we're murderers in our heart.
This is not forgiveness.
Forgiveness means releasing someone from the obligations due to the offense. Sa pagpapatawad, we decided na ipasa sa Diyos ang trabaho ng pagbibigay ng hustisya.
Hindi nito binubura ang pain. Pero yung pain ay pinapasa-Diyos. Sa halip na maghanap ng recompense with our own hands, we decided to let God be our Avenger.
It means we do not let the offense affect our relationship with the person. Hindi natin siya sinisiraan. Ginagawan natin siya ng kabutihan. Hindi tayo natutuwa kapag siya ay nagdurusa. Hinahanap natin ang kaniyang kabutihan.
Dahil malaya tayo.
Isipin na lang nating sa ganitong paraan, iniingatan natin ang ating mga sarili na huwag maging bitter. Because bitter people are poisonous. They're toxic.
Hindi tayo namumuhay sa nakalipas. Hindi natin sinasaktan ang ating mga sarili by replaying the offense again and again. Proverbially, pinutok na natin ang lobo.
Ayaw mo bang maging malaya sa sakit at offense?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment