Do not deceive

 


1 Pedro 3:16 Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo.

Ayon kay Pedro, dapat tayong magtaglay nang mabuting budhi. Sa ganitong paraan kung ang kga unbelievers ay mag-alipusta sa atin (o gumawa ng mga kwento laban sa atin), ang ating mabuting paraan ng pamumuhay ang magpahiya sa kanila. 

Walang putik na didikit sa Cristiano kung malinis ang ating budhi. 

Dapat ganuon din tayo sa iba. Kung ang ating mga salita ay magbibigay ng maling impresyon patungkol sa iba o patungkol sa isang bagay o isyu, mas maiging manahimik tayo.

Minsan, hindi naman tayo nagsisinungaling ngunit ang pagbukas ng bibig sa maling oras ay maaaring magbigay ng maling impresyon.

Bigyan ko kayo ng halimbawa. May nawawalang salapi. Hindi mo nga sinabing si Juan ang nagnakaw ng salapi ngunit kung babanggitin mong bumili si Juan ng bagong sapatos, maaari itong magbigay ng maling impresyong si Juan ang nagnakaw. 

Kung alam mong si Juan ang nagnakaw, marapat lamang na magsalita ka ng katotohanan at suportahan ito ng ebidensiya. Pero kung hindi, mas maiging manahimik ka na lamang kaysa magsalita ng "katotohanan" sa maling oras upang magbigay ng impresyong si Juan ang nagnakaw. 

If we're honest, maraming beses natin itong ginagawa. "Hindi ko naman sinasabing si (insert name) ang may gawa pero (insert circumstantial anecdote)..." 

Hindi natin pwedeng i-reason out, "Totoo naman sinasabi ko." Oo totoo, pero ang iyong isolated na katotohanan ay maaaring magamit out of context upang idiin ang isang inosente."

Matuto tayo ng tamang paggamit ng ating mga salita. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION