You don't know what's going on and you're judging me in front of everyone?

 


May nga taong to make himself feel better ay kailangan niyang ipamukha ang kaniyang kabanalan sa iba. That means judging others for their "failure" to do righteousness (which in reality is his own personal preference and standards, not God's).

May mga taong tila ayaw nang bumangon (Sorry Nescafe) yet lumalaban pa rin ng patas. Ginagawa ang lahat, despite their disadvantages na magsumikap at maglingkod sa Diyos. 

Nakakairita ang makita ang self-righteous na taong hatulan ang mga taong nagsusumikap kahit mahirap. 

Alam ba ng taong itong sa likod ng mga ngiti ay matinding kalungkutan? Alam ba ng mapagmataas na taong ito na ang kausap niya ay maraming hinaharap na problema at sa totoo lang ay hiwalay sa biyaya ng Diyos, ewan kung matugunan ang pangangailangan at makapagtapos ng pag-aaral? 

Just because may titulo ka at ang kausap mo ay kabataan, hindi ito nagbibigay ng pahintulot na alimurain mo siya at ipagkalat pa sa iba ang kaniyang kabiguan. 

Ang tanong: ano ang ginawa mo para sa kaniya at kailangan mong hanapan siya ng mga bagay? 

Ang tao ay napakahalaga na binigay ni Jesus ang Kaniyang buhay para tubusin ito. Huwag nating gawing kasangkapan ang tao upang palaguin ang sarili nating pangalan. 

Ang sabi ng dati kong pastor: Gamitin mo ang ministry upang palaguin ang tao at hindi ang tao upang palaguin ang ministry. 

Amen! 

Hindi natin alam kung anong nangyayari sa buhay ng isang tao. Ang ating nakikita ay kakapiranggot na bahagi ng nangyayari sa kanilang buhay. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo dapat humatol sa ating kapwa. 

Marahil lumalaban ang kapatid at ang nakikita nating "kahinaan" is actually him triumphing over the temptation to quit. Buti nga at sumisipot pa sa simbahan. 

Ang labi ay may kapangyarihan ng buhay at kamatayan kaya maging maingat tayo sa ating sinasalita. Baka ang iyong "simpleng" kritisismo ang dayaming bumali ng likod ng kamelyo. Kung ganuon, maghanda ka na ng tali at bato at tumalon sa dagat. 

Ang ating salita ay dapat magpalakas, hindi magpahina. Mapalad ang nagbabalik sa kapatid sa daan ng katuwiran. 

Huwag nating hintaying bumalik sa ating mukha ang ating sariling mga salita. 

Kung walang asin, isarado ang bibig. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama