Thank you Lord for your grace
1 Juan 4:19 Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.
Isang dakilang pribilehiyong ibigin ng Diyos sa kabila ng ating kakulangan. Kahit nang tayo ay kaaway ng Diyos at mga makasalanan, inibig Niya tayo at ito ay Kaniyang ipinakita nang si Cristo ay mamatay sa krus sa pagbayad ng ating mga kasalanan.
Hindi ako karapatdapat ng pag-ibig na ito.
Hindi lamang pinakita Niya ang pag-ibig sa Krus, ipinakita Niya ito sa pang-araw-araw na buhay. Nagpapadala Siya ng ulan sa mabuti at masama. Mayroon din Siyang espesiyal na biyaya sa lahat ng nanampalataya kay Cristo. Sabi nga ni Pablo, kung hindi Niya ipinagkait ang Kaniyang Anak, bakit Niya ipagkakait ang mga pagpapala sa araw-araw?
Dahil dito natural lamang na reaksiyong ibigin din natin Siya. Ang ating pag-ibig ay tugon sa Kaniyang pag-ibig. Ito ay resiprokal na pag-ibig. Siya ang nag-initiate at tayo ay sumusunod lamang sa Kaniyang yapak.
Ito ay tila isang sayaw. Siya ang nagpasimula ng kilos at tayo ay sumusunod sa Kaniyang pangunguna. Ang resulta ay isang magandang relasyon.
Ngunit sa Kaniyang biyaya, kahit sa mga panahong tayo ay napapamali ng hakbang, Kaniya tayong itinatama. Ibinabalik Niya tayo sa tamang mga hakbang upang muling maging maintimasya ang mga sayaw.
He doesn't give up on us.
Sinong hindi maiinlab sa ganitong Diyos?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment