Teach them how to think
Ang tunay na pagkatuto ay ang kakayahang mag-isip at gamitin ang natutunan sa araw-araw na pamumuhay. Dahil dito hindi natin dapat tinatrato ang mga bata na pasibong balde na taguan ng kaalaman. Sa halip dapat silang ituring na mga aktibong partisipante sa pagkatuto.
Dapat turuan ang mga bata kung paano mag-isip at hindi lamang kung ano ang dapat isipin.
Dapat silang turuang gamitin ang kanilang mga isipan upang lumutas ng mga problema, sundin ang implikasyon ng mga posisyung pinanghahawakan at gamitin ang mga kaalamang ito sa tunay na buhay at upang lumikha ng mga bagong kaalaman.
Nakalulungkot na mas interesado pa tayong gumawa ng mga disipulo ng sarili nating pananaw kaysa gumawa ng mga independiyenteng estudyante ng Kasulatan. Paano natin ito ginagawa? We don't teach our people to think. We dictate to them what to think. Ang resulta ay mga taong hindi marunong tumayo sa sariling mga paa kapag nahaharap sa mga isyung espirituwal.
Dapat itong simulan sa mga bata. Havang bata pa sila, turuan silang maging independent learner. Sa kanilang paglaki, magagamit nila ito upang dumiretso sa Kasulatan at hindi nakaasa sa sinasabi ng pastor o ng denominasyon o ng mga kredo.
By independence we don't mean thinking independent of the Lord (Prov 3:5-6) but the ability to think doctrine independent of the caprice of a pastor. We wanted our people to search the Scriptures themselves so they can check if what is being taught in the pulpit is correct, Acts 17:11. This ensures that there will be no cultic thinking or codependency.
What do you think?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment