Stand up, huwag iyakin

 


The present age is defined as this present evil age. Wether we like it or not, we're in a war and if we're not prepared, we'll be a casualty. 

Sa halip na umiyak, huwag tayong maging iyakin, tayo ay dapat maghanda. Kailangan nating ihanda ang sarili natin upang tumindig sa araw ng digmaang espirituwal. 

Paano natin ihahanda ang sarili natin para sa espirituwal na labang ito? 

Gamit ang metapora ng pagsusuot ng espirituwal na baluti, hinayag ni Pablo ang nararapat na paghahanda sa araw ng pagsubok. 

Kailangan nating mag-aral ng katotohanan. Ang katotohanan ay masusumpungan sa Salita ng Diyos sapagkat ito ang magbibigay sa atin ng kakayahang isabuhay ang Cristianong pamumuhay. Ito ang sinturon ng katotohanan. 

Hindi makapamumuhay nang may kabanalan ang taong namumuhay sa kasinungalingan. 

Kailangan natin ng praktikal na kabanalan. Tayo ay matuwid dahil sa pananampalataya kay Cristo ngunit kailangang maipakita ang kabanalang ito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Maraming Cristianong hindi mo malalamang Cristiano kung ang babasehan mo lamang ay kanilang panlabas na gawa.

Kailangan din ng pananampalataya sa pang-araw-araw na pamumuhay. Marami tayong haharaping mga pagsubok at ang pananampalataya ang papatay sa nagliliyab na atake ni Satanas. Sa halip na magreak sa mga akusasyon ng kaaway, harapin natin ang ito nang may pananampalataya. 

Kailangan natin ang kasiguruhan ng kaligtasan sapagkat sa araw ng pagsubok maaaring kwestiyonin natin ang pag-ibig ng Diyos. Huwag nating pagdudahan ang Kaniyang biyaya at pag-ibig. 

Kailangan din nating gamitin ang mga oportunidad na ibahagi ang mabuting balita. Madalas ang mga taong dumaraan sa pagsubok ang pinakahandang ibahagi ang mabuting balita sa kapwa niyang nagdurusa sa kaparehong problema. 

Kailangan nating isalita ang Salita ng Diyos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Gaano man karaming doktrina ang iyong nalalaman, kung walang aplikasyon, ito ay balewala. 

At higit sa lahat ay kailangan ang panalangin. Anumang bagay na ating hinaharap, huwag tayong matakot ilapit ito sa trono ng biyaya. Ito ang magbibigay sa atin ng kapayapaan ng isipan. 

Sa halip na maging iyaking nagrereklamo sa kung anu-anong ating hinaharap, ihanda natin ang sarili natin sa giyera. Hayaan nating mabuo si Cristo sa ating mga buhay. Hayaan nating si Cristong mamuhay sa ating buhay. Kailangan nating manahan kay Cristo. Kailangan nating lumakad ayon sa hakbang ng Espiritu. 

Kung hindi, tayo ay magiging casualty sa espirituwal na digmaan. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama