So busy in life you're unaware you're in the middle of a war
Tayo ay nasa gitna ng isang digmaan, isang digmaang ang kasangakapan ay hindi baril o bomba, at ang target ay hindi teritoryo o resources. Tayo ay nasa gitna ng isang espirituwal na digmaan at ang pinaglalabanan ay ang ating mga kaluluwa.
Sino ang hahayaan nating kumontrol sa ating mga isipan at buhay?
Ang sanlibutan ay sinisikap na ilayo tayo sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga ideyang kinakalat sa pamamagitan ng mga eskwelahan, ng media, ng social media at ng pamahalaan, pinakikilala tayo sa nga kaisipang sanlibutan.
Hindi mo mabubuksan ang iyong telebisyon o Facebook nang hindi sinasampal saiyo ang same sex ideology. Puspusan ang sanlibutan sa pag-indoctrinate sa lahat na ang mga pamantayan ng Biblia ay laos na. Ito ay para sa mga nabuhay noong unang panahon ngunit hindi para sa mga nabubuhay sa 21st century moderns.
Tapos magtataka tayo kung bakit tumataas ang bilang ng HIVs, abortions, suicides, crimes, atbp social ills na direktang resulta ng pagtapon ng mga standards ng Biblia?
Kung hindi mag-iingat ang mga Cristiano, tayo ay maaaring madala ng mga ideologies na ito. Already, mayroon na tayong mga kapatid sa ating kongregasyon na yumayakap at nagsusulong ng mga unbiblical ideas na ito.
And we're doing nothing! Sa halip na palakihin ang ating mga anak sa Salita, hinahayaan natin sila sa ngalan ng love at tolerance. We're loving our children and tolerating our children into divine discipline.
It is time that we dress up. Wear your armor. Resist the world. Kung hindi, we'll lose our own youth to the world. That will end our church as we know it.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment