Rest in God

 


2 Corinto 12:9 At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.10 Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.

"Bakit ko pinagdaraanan ang mga nangyayari sa aking buhay?"

Hindi ikaw ang unang nagtanong ng ganiyan. Sooner or later mapapatanong ka kung ikaw ba ay kinalimutan ng ng Diyos, o kung sini-single out ka ng Diyos o kung hindi na kontrolado ng Diyos ang nangyayari sa ating paligid. 

Obviously, hindi ko masasabi kung ano ang purpose ng Diyos sa iyong buhay. Pero isa sa mga posibleng dahilan ay nilagay ka ng Diyos sa isang sitwasyong hindi mo kaya, na tanging Siya lamang ang makakasolusyon, upang ipaalala sa iyo, at ipakita sa iba, ang Kaniyang kapangyarihan. Wala kang ibang magagawa at wala kang dapat gawin kundi magpahinga sa Kaniya. 

Naranasan ito ng mga Israelita sa Exodo. Sa harapan nila ay tubig at sa likuran ay ang humahabol na hukbo ng Faraon. Kung wala silang gagawin, tiyak ang kamatayan. Ang payo sa kanila ng Panginoon? Tumigil at masdan ang pagliligtas ng Diyos. 

Sa kanilang harapan, nakita nila kung paano sila niligtas ng Diyos mula sa tiyak na kamatayan. 

Maaaring may hinaharap tayong kaparehong sitwasyon, sitwasyong wala tayong magagawa ngunit kung walang mangyayari, tayo ay mapapahamak. Huminto tayo at masdan ang pagliligtas ng Panginoon. 

Hindi Siya mabibigong iligtas ka. Mamahinga ka sa Kaniya.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama