Kapag inggit, pikit

 


Awit 37:16 Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid, kay sa kasaganaan ng maraming masama.

Santiago 3:16 Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.

Isa sa mga dahilan kung bakit walang kasiyahan ang isang Cristiano ay dahil mahilig siyang magkumpara ng kaniyang sarili sa iba. Hindi siya nasisirayahan sa kung anong binigay sa kaniya ng Diyos at ang kaniyang paningin ay laging nakatutok sa ibang tao. 

Naiinggit siya kapag ang iba ay mas maganda, mas mayaman, mas maabilidad, mas matagumpay. Lahat tayo ay mayroon nito at malibang matutunan nating ituon ang ating atensiyon sa Kaniya, hindi tayo makakalaya sa kasamaang ito. 

Ang negatibong resulta ng pagkamainggitin ay makikita sa pagsasama ng mga magkakaibigang kinain ng inggit. Ang dati ay masaya at maliwanag na pagsasama ay nababalot ng kalungkutan at defensiveness. Wala na ang mumunting pag-uusap at tawanan. Lahat ay nagmamadaling matapos ang transaksiyon at magpaalaman (kung maalalang magpaalam).

Makikita ito sa patago at pailalim na pagkilos laban sa isa't isa. Nakaupo sa iisang lamesa pero ang kanilang isipan ay laban sa isa't isa. 

Nakalulungkot na sa halip na pagkakaisa, ang naghahari ay pagtatalo sapagkat naghahari ay ang pagkakaiba at hindi pinaiiral ang pagkakapareho. 

Maaaring sa panlabas lahat ay maayos pero sa loob, sa ilalim, naroon ang ugat ng kapaitang anumang oras ay tutubo at magbubunga ng pagkakaniya-kaniya. 

Hindi ito dapat masumpungan sa kapatiran pero sa kasamaang palad ay buhay na buhay sa mga pinuno mismo. Kung ang pamumuno ay walang pagkakaisa, siguradong hati ang samahan. 

Panatilihin natin ang katahimikan sa pamamagitan ng pagiging kontento sa kung anong mayroon tayo. Mas magiging masaya at mapayapa ang ating mga buhay.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION