It hurts
Hindi ko alam kung ano ang inyong pinagdaraanan pero isang bagay ang aking alam - you're not alone and you can never be alone- God is with you in your suffering.
Hindi ko alam kung bakit ka dumaraan sa pagdurusa- kung ito ba ay for blessing or divine discipline. But one thing na alam ko- God has a reason and if we're willing to submit, it is for our benefits.
Automatic reaction natin kapag nahaharap sa mga painful experiences ay ang tumakbo palayo at magtago. Ang natural nating reaksiyon ay magreklamo at sisihin ang mga tao sa ating paligid.
Hindi mo kailangang maging Bible scholar upang ma-realize na ito ay counter-productive. Kahit ang mga taong walang alam sa Biblia ngunit mga experts sa productivity ay magsasabing kung may time ka para mag-tantrum, that time is better used for looking for a solution.
Minsan iniisip nating iniwan na tayo ng Diyos. Iniisip nating naglalakad tayong mag-isa sa kadiliman ng ating buhay.
Let us resist that kind of thinking. We're not alone. God is with you all the way, even during and especially during, when you you're suffering.
Familiar tayo sa tulang Footprint in the Sand. Those times we think we're alone are the times God is carrying us in His arms.
Nabubulagan lang tayo ng pain of the moment. But do not let what you feel clouds what you know- God is with you.
Lumapit tayo sa Kaniya at humingi ng karunungan upang harapin ang anumang sakit at pagsubok na ating hinaharap, San 1:5-8.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment