Be thankful for His grace and mercy
Lahat tayo ay dumaraan sa mga sandali ng pagsubok. To be human is to undergo suffering.
Ngunit kung tayo ay magiging tapat, mas marami pa ring kabutihang tinatanggap tayo. Sa biyaya ng Diyos marami Siyang pagpapalang binibigay na hindi tayo karapatdapat. At sa kaparehong diwa maraming masasamang bagay ang pinipigilan Niyang dumapo sa atin. By this time, sa edad natin, I trust may sapat kayong kaugnayan sa Panginoon para ma-realize ito.
Ang mga bagay na dumarating sa ating buhay ay sinala ng kabutihan ng Diyos. Hinayaan Niya itong dumapo dahil mayroon tayong matutunan. Either matutunan nating ang Kaniyang grace is sufficient even in suffering or matutunan nating there are consequences to our wrong choices form position of weakness.
Dahil dito, ano ang tamang attitude ng isang Cristiano? Be thankful. Magpasalamat tayo na kahit gaano pa kasama ang nangyayari sa atin (in our own estimation), it could have been worse were it not for God's grace and mercy.
From God's perspective, binibigay Niya ang kailangan upang ma-realize nating we cannot do anything on our own for apart from Him we're nothing. Gusto Niyang matuto tayong dumepende sa Kaniya at maging kawangis ng Kaniyang Anak.
If we remember this, things may be the same, but knowing suffering has a purpose and not just random, gives hope.
We're not alone and we're not meant to. God is always with us.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment