Anger and pride go together before a fall

 


May righteous anger (marami na akong blogs na nasulat dito, sa Eph 4, kay Jesus sa John 2 at kay Samson and the jawbone of an ass). Pero hindi mo ako mapapaniwalang ang persistent anger ay godly. 

Malinaw si Santiagong ang galit ng tao ay hindi makatutupad ng katuwiran ng Diyos. Ayon kay Pablo, ito ay bunga ng laman, isang palatandaan ng panahong lalong sumasama. Ito ay diskwalipikasyon para sa isang matanda ng simbahan. 

Ang taong laging galit ay senyales ng pusong hati- sa pagitan ng Diyos at ng kaniyang laman. Dahil hindi buo ang kaniyang puso (integrity means a whole, unified person), nagmamanipesta ito sa kaniyang pamumuhay.

Lahat ay alam ito. Kahit hindi palabasa ng Biblia ay nakakaalam na ang pagiging magagalitin is a flaw. It is a sign that someone is not living with and in grace. 

Maraming anger management programs, ngunit kung ang pokus ay sa panlabas at hindi pagbabagong panloob, ito ay katumbas ng paggamot ng sintomas at hindi ng mismong sakit.

Maraming problema ang maiiwasan kung marunong tayong magtimpi. Ang taong magagalitin ay hindi nakikinig, madaling magbitaw ng masasakit (ang usually pinagsisisihan ngunit hindi na mababawing) na salita. At kung ito ay haluan ng kapalaluan, ng mataas na tingin sa sarili, ito ay magiging habitual hanggang maging character. 

May mga taong sobrang taas ng tingin sa sarili na nagagalit kapag napupuna. Ang masaklap, ang mga ito ay malakas mamuna ng iba. Nakikita nila ang muta sa mata ng iba ngunit hindi ang troso sa kanilang mga mata. 

Sa halip na magsisi at magbago, ito ay g-ino-glorify as "pagpapakatotoo." Authenticity is being used as a blanket justification for being an asshole. 

Temper will put as in troubles but pride will keep as there. Kung tayo ay gracious, we won't be in trouble in the first place. Sabi nga ng isang sikat na coach, "You can never go wrong with being classy." At kung tayo man ay maipahamaka ng ating temper, at least have the humility to say, "I am wrong. I apologize. I won't do it again." 

Temper and pride are dangerous combination. Nakasisira sila ng peace of mind. Umiikli ang bilihan ng suka. It is stiffling. Mahirap huminga kung galit ka sa lahat. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama