A church without a children ministry is a dying church

 


Kahapon (Aug 2, 2025), nagkaroon kami ng oportunidad na mag-share ng gospel sa Amoguis. Thanks Roxsan sa pag-invite sa amin na ma-meet ang iyong family. 

Nagkaroon ng dalawang hiwalay ngunit sabay na sessions- sa mga matatanda binahagi ko ang mensahe ng buhay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo lamang at ang mga young people sa pangunguna ng youth president na si Kenneth at ng kaniyang first lady, si Mary Rose (hehe), ang nagturo sa mga bata. This reminds me ng kahalagahan ng pagtuturo sa mga bata habang maliliit pa ng Salita ng Diyos. A church without a functional children ministry is a dying church. 

Hindi mo kailangang maging Bible scholar o theologian upang maunawaan ito. Gaano man kalaki ang iyong simbahan, kung ito ay puro matatanda na, sa sandaling ang mga ito ay yumao o sumakabilang buhay na, sino ang matitira sa simbahan? 

Ang mga bata ang lifeblood ng simbahan. Sila ang papalit sa atin sa sandaling tayo ay wala na. Kung hindi natin aabutin ang mga bata ng Salita ng Diyos, ang ating simbahan ay mamamatay. 

Ito ang kahalagahan ng intergenerational ministry. Hindi lang mga matanda ang dapat nating bahagian ng gospels. Kailangan din nating bahagian ang mga bata. Sa murang edad mauunawaan na nila ang evangelio. 

I lead my own children to salvation nang ang aking panganay ay Grade 4 at ang bunso ay Grade 3. You won't believe na nanampalataya sila kay Cristo sa pag-aaral namin ng Deuteronomy. 

Nang si Misis ay nasa ibang bansa, gabi-gabi kaming nagba-Bible study ng mga bata. Nagsimula kami sa Genesis at nakaabot kami sa 1 Samuel bago natigil dahil naabala na sa high school ang mga bata. Sa Deuteronomy, cross-referenced with NT passages, sila nanampalataya kay Cristo. Sinabi ko sa kanilang ang mga sacrifices sa OT ay larawan ng sakripisyo ni Cristo sa krus at kung sila ay manampalataya kay Cristo, sila ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan (Juan 3:16). 

Ang aking punto ay ang mga bata ay fertile soil upang abutin ng gospel. Wala pa silang masyadong programming ng sanlibutan at madali sa kanilang umunawa ng mensahe ng buhay. 

Nakalulungkot na napapabayaan ang prep school. Hindi na sila natututukan. Hindi na sila nabibisita sa mga bahay-bahay at nagiging relihiyon na lang ang kanilang pagsisimba. 

Siguro dahil hindi nag-o-offering ang mga baga, walang income kaya pinababayaan ang ministry na ito. I don't know. 

Ang mga bata ay ating investment into the future. Sila ang magsisigurong may papalit sa atin kapag tayo ay wala na. Mamuhunan tayo ngayon upang umani sa hinaharap. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama