7 days without God makes one weak
Madalas kong marinig sa mga sermons na binigyan ng Diyos ang tao ng anim na araw para sa kaniyang sarili at isang araw para sa Kaniya. I disagree. Although the sermon means well, ito ay nag-e-encourage ng religionism, na hindi mahalaga kung paano ka namuhay sa loob ng isang linggo- ang mahalaga ay nasa simbahan ka kapag Linggo.
Tinuturo nito ang artipisyal na dibisyon sa pagitan ng sekular at espirituwal (I have criticized this distinction before in my blogs). In-encourage din nito nito ang pagiging judgmental laban sa mga hindi nagsisimba kapag Linggo. After all, hindi nagawa ng mga kapatid na ibigay ang isang araw (na usually tinatawad pa sa sermon bilang isa o dalawang oras) para sa Panginoon.
Sa halip naniniwala akong lahat ng pitong araw ay para sa Diyos- anim na araw upang gawin ang mga kalooban ng Diyos sa labas ng simbahan at isang araw (o isa o dalawang oras) upang pag-aralan ang kalooban ng Diyos na isasapamuhay sa buong linggo. Samakatuwid ang anumang pinag-aralan kapag Linggo ay dapat pagmunihan at tuparin sa natitirang araw ng linggo.
Gaya nang sinasabi ng accompanying picture, hindi tayo mamumuhay nang may kabanalan at kalakasan (espirituwal) at katahimikan kung walang Diyos. Nakakaalarma na maraming Cristiano ang practical atheists. Bagama't nananampalataya sa Diyos (at kay Cristo in particular) sa pang-araw-araw na pamumuhay, nagagawa ng mga Cristianong mamuhay na tila walang Diyos.
Bakit maraming Cristianong ang mahihina espirituwal? Ito ay dahil asa lamang sila kapag Linggo upang matuto ng Salita ng Diyos. Hindi sila marunong mag-aral ng Salita sa kanilang mga bahay. Subukan ninyong kumain lamang ng isang araw sa isang linggo at siguradong mamamatay ka.
Ang masaklap ay ini-encourage ito ng ibang pastors. Sa halip na tulungang mag-isip para sa kanilang mga sarili, maraming pastor ang ginagawang codependent sa kanila ang kanilang mga miyembro. Ayaw nilang palayain ang "ordinaryong miyembrong" mag-isip, magsagawa ng ministri at maglingkod. Dapat lahat ay galing sa kaniya, o kung galing sa iba, ay dapat dumaan sa kaniya.
I find this cultic.
Ang trabaho ng pastor ay magturo ng Salita ng Diyos upang ang mga miyembro ay makapamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos, hindi ang gumawa ng mga robot na hindi nag-iisip at kailangang susian upang maging kapakipakinabang.
Without God we'll be weak spiritually.
We need God in our daily lives, not just on a Sunday. We need to give Him all of our days, not just Sundays.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment