You can run but you can't hide
Bilang 32:23 Nguni't kung hindi ninyo gagawing ganito ay, narito, kayo'y nagkasala laban sa Panginoon: at talastasin ninyo na aabutin kayo ng inyong kasalanan.
It is supposed to be music and fun for Andy Byron and Kristin Cabot. Sinong mag-aakalang sa isang kiss cam ng Coldplay concert mabubuking ang isang tinatagong lihim. Ang kanilang reaksiyon ay inaasahan, they hide (John 3:19-21) ngunit gaya ng kasabihan, "Walang lihim na hindi mabubunyag." Inabot sila ng kanilang kasalanan. Publicly.
I genuinely pray na maayos nila ang mga gusot na kanilang pinasok. I hope there is healing and reconciliation even though binura na ni misis ang apelyido sa kaniyang socmed account.
Hindi natin kailangang matulad kay Andy at Kristin. Bilang mga estudyante ng Biblia, alam nating ang kasalanan ay isang utang na babayaran. Maaaring masaya siya ngayon but one day there is a payment to pay. Left unchecked, it can even lead to death (Romas 6:23; James 1:15).
Every time na tayo ay nahaharap sa solicitation to sin, tanungin natin ang ating sarili, is it worth it? Worth it ba na sirain ang ating fellowship with God? Worth it ba na sirain ang ating pamilya? Worth it ba na mawalan ng trabaho dahil dito? Worth it ba na masira ang reputasyong pinagsikapan mong itatag? Worth it ba na maging tampulan ng kantiyaw ng komunidad? Worth it ba na mawala ang lahat just for the passing pleasure of sin?
Itago man natin ang ating kasalanan, may accountability na naghihintay. Kung hindi ngayon at the Bema. Madidiskubre nating maraming pagpapala at gantimpalang mapapasaatin sana kung ginamit natin ang ating oras upang ipagkingkod sa Kaniya kaysa sa ating sariling laman.
Mamili tayo kung ano ang mahalaga sa atin.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment