Wisdom that knows the difference

 



How we wish we live in a bubble. No matter what happens to this world, we live happily ever after. But we're adults now. We know that that is not possible.

May dumarating sa ating mga bagay na mabigat, mga problemang nagpapalugmok kahit sa pinakamalakas na tao. 

Ano ang ating gagawin? May mga Cristianong ang unang tendensiya ay magalit at sumpain ang buhay. Ang iba naman ay agad na iniisip na sumuko at sumabay na lamang sa daloy ng buhay, mga lilies na dinadala ng tubig. Ang iba ay tinatakasan ang buhay na ito. 

Ayon sa Efeso 1:19-21, ang Diyos ay may nakalaang kapangyarihan sa lahat ng nanampalataya kay Cristo. Karamihan sa atin ay namumuhay nang may kabiguan dahil hindi natin ginagamit ang kapangyarihang ito. Sinisikap nating isabuhay ang Cristianong pamumuhay sa ating kapangyarihan. 

Ngunit napu-frustrate tayo. Paano natin magawang mahalin ang taong masama ang pakikitungo sa atin? Paano natin mapapatawad ang mga taong paulit-ulit na lamang na sinusubok ang ating pasensiya? Paano natin mapagsasabay ang ating pananampalataya at ang ating pagnanais na maging popular sa ating mga kasama? 

Ngunit ang Biblia ay nagsasabing kailangan natin ang kapangyarihan ng Espiritu Santo upang maisabuhay ang Cristianong pamumuhay. 

Paano kikilos ang Espiritu sa ating mga buhay? Gagamitin Niya ang Salita ng Diyos na ating pinag-aaralan. Kung wala tayong Salita ng Diyos, walang gagamitin ang Espiritu upang gumawa ng pagbabago sa ating mga buhay. 

Ang Salita ay magbibigay sa atin ng karunungan upang harapin ang buhay. Kung tayo ay marunong, marerealize nating may mga bagay na hindi natin mababago. Hindi natin mababago ang pamilyang ating kinabibilangan. Marahil gusto mong maging Zobel de Ayala ngunit nilagay ka sa mahirap na pamilya. Walang pagmumura laban sa kapalaran ang magbabago ng katotohanang ito. Sa halip na hayaan natin ang ating kapanganakan upang magdikta ng ating buhay, why not accept it and do something to improve it?

May mga bagay na pwede nating baguhin. We can improve our lot if we're humble enough to change. We can study, we can work... By the grace of God, binigay Niya ang mga bagay na makatutulong upang mapagbuti mo ang iyong sarili. 

Ngunit may mga bagay na hindi natin mababago no matter how we struggled. We need wisdom to know which things we can change and which things we can't. This is not fatalistic acceptance; this is hopeful surrender to the will of God, "Not my will but Thine." 

This is difficult but if we stick with the Word, we develop the wisdom to know the difference and surrender to our Lord's will. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama