We prefer our plans rather than God's
Sa halip na makinig at sumunod sa malinaw na Salita ng Diyos, madalas nating gawing pamalit ang sarili nating kaisipan. Sa halip na tumingin sa itaas, nakatingin tayo sa paligid.
Ang ating awtoridad ay ang ating pakiramdam, ang ating kaalaman, ang ating asosasyon. Sa halip na maging hiwalay na bayan, tayo ay bahagi ng kosmos na ito.
Nakapagtataka bang hindi natin nararanasan ang pagpapalang pinangako sa mga nakikinig at hindi lumilimot at tumutupad sa Salita gaya ng banggit ni Santiago?
Tayo ay mga batang masaya nang maglaro sa putikan sa halip na tanggapin ang full-paid cruise na alok ng Diyos.
Masaya na tayo sa patikim ng biyaya. Ayaw nating ibaon ang sarili natin sa kapunuan nito. Masaya na tayong may isang paa sa sanlibutan at may isang paa sa simbahan. Lunes hanggang Sabado tayo ay nasa sanlibutan, Linggo lamang nagiging bahagi ng ating buhay ang Diyos (assuming na talagang nakikinig sa eksposisyon ng Salita at hindi ginawang tulugan ang simbahan, madalas kong mapansin ito sa kapatiran).
Then sisisihin natin ang sanlibutan sa mga kabiguang ating natanggap. Naiinggit tayo sa ibang nakararanas ng pagpapalang ating gusto.
What if, just what if, sumugal tayo sa biyaya ng Diyos? We have tried everything and fail, why not cast yourself on God's hands. As far as I know, He still cares for you.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment