Tingin-tingin sa salamin
Mana-mana sa magulang. Kung anong nakikita sa magulang, mamanahin ng mga anak. Ang ating unang mga magulang, si Adan at si Eva ay magaling magturo sa iba kaya hindi nakapagtatakang ang kanilang mga anak ay ganuon din.
Ngunit gaya nang kasabihan, kapag dinuro mo ang isang tao, apat na daliri ang nakaturo sa iyo.
Sa lenggwahe ni Jesus, bago mo tingnan ang muta ng iba, alisin mo muna ang tahilan sa iyong mga mata.
Kailangan nating magmasid nang matagal sa mga salamin bago natin asikasuhin ang kakulangan ng iba.
Marami sa atin ang walang self-awareness. Nakikita natin ang pagkukulang ng iba ngunit bulag tayo sa ating sariling kakulangan. Inaasahan natin ang biyaya mula sa ibang tao ngunit wala tayong balak na ibigay ito sa iba.
Ang numero unong dahilan ng kawalan ng self-awareness ay self-absorbed tayo. Nakikita lang natin ang ating mga lakas at kinukumpara sa kahinaan ng iba at ito ang nagpapataas sa ating mga kwelyo. Sa halip na makita ang iba bilang mas mabuti kaysa sa atin, pinangangalandakan natin sa ibang tao ang kahinaang ng iba. Sa halip na kausapin ang kapatid na may kahinaan, hinahayag pa sa publiko dahil sa ganitong paraan napagtatakpan ang sarili nating kakulangan.
In essence, we get our kicks in the weakness of others.
Sabi ng Kasulatan, ang pag-ibig ay nagtatakip ng kasalanan. Para sa mga self-absorbed individuals, b-in-broadcast pa sa ibang tao.
Mag-ingat tayo sa ganitong mga tao. Isipin mong kung kaya nilang sirain ang ibang tao sa iyong harapan, kaya nilang sirain ka sa harapan ng iba.
Ang ganitong ugali ay hindi dapat makita sa mga Cristiano. Ang ating mga labi ay dapat natitimplahan ng asin ng biyaya, hindi ng paninirang-puri.
Ayusin natin ang ating mga buhay bago tayo makialam sa buhay ng iba.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment