Problema ka lang, may Diyos ako
Filipos 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. 7 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
If you're a normal human being, you're probably swamped by now with different problems- domestic, financial, relational, professional, lahat na ng -nal. It us easy to give up and whine.
Not for Christians. As model of God's grace, people are watching how we hope, and our response to problems is our testimony to them, 1 Pt 3:15. Siya ay nangakong hindi ka iiwan o pababayaan. Nangako Siyang kasama mo Siya hanggang sa katapusan ng panahon. At ang Kaniyang pangako ay Kaniyang tinutupad.
Ayon kay Pablo, Ef 1:19-21, may kapangyarihang available sa lahat ng mananampalataya. Wala tayong dahilan upang sumuko sa harap ng mga problema. Aatras oo, pero susuko, hindi.
Ang Espiritu ay laging nariyan upang damayan ka kahit sa mga panahong ni hindi mo magawang isatinig ang iyong panalangin.
Ngunit kung ang ating isipan ay laging nasa problema, gumagawa tayo ng ilusyong ang problema ay mas malaki kaysa tunay nitong laki. Madaling bumigay na iniisip na pinabayaan na tayo ng Diyos. Resist this tendency to give up.
As far as David is concerned, Goliath is just a man. Kung hindi siya pinabayaan ng Diyos sa harap ng leon at oso, hindi Siya iiwan ng Diyos sa harap ng isang taong humahamak sa dakilang Diyos.
That has always been the attitude of saints in the Bible. Daniel didn't cower before the lions. The three friends of Daniel didn't cower before the oven. They faced life (and death) with quiet confidence that He will rescue them, and even if He didn't, they're willing to die than turn their backs from God.
This is the kind of faith we need today as we traverse the moral jungle called life. Especially in an age where everything Biblical is under attack, it takes a strong man, a real man, to man up and stand up for the truth.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment