Pa-victim

 


"What was supposed to be a night of music and joy turned into a deeply personal mistake playing out on a very public stage." Andy Byron (supposedly)

Bilang 32:23 Nguni't kung hindi ninyo gagawing ganito ay, narito, kayo'y nagkasala laban sa Panginoon: at talastasin ninyo na aabutin kayo ng inyong kasalanan.

Bagama't may posibilidad na ang umiikot na apology letter ay gawa-gawa lamang (ayon sa isang fact-checker), ang naturang pahayag ay isang halimbawa kung paano tayong umaastang biktima ng sarili nating maling desisyon. Sa halip na harapin ang konsekwensiya ng ating mga pagkakamali, we make half-hearted sorry's and then play victim, casting everyone as judgmental moralists. Apology letters should apologize, and not make justifications or God forbid, blame casting. That letter may not be real, but it gives a perfect example of this hardwired Adamic tendency (shout-out kay Papa Adam and Mama Eve).

This is nothing new. Naging viral lang dahil nangyari sa isang konsiyerto ng isang sikat na banda. Ngunit sa ating paligid marami tayong kilalang umiihip sa harina at kapag napuwing ikaw pa ang may sala. 

There is a reason why Christians are supposed to be light in the dark. The reason is our light will show the way to unbelievers. But if our lives are no different than them, why would they want to believe our message? 

Gaya nang paulit-ulit kong sinusulat, tanging mga bata lamang at imaturo sa pag-iisip ang naninisi ng iba para sa sariling pagkakamali. Ang tunay na maturong lalaki ay tatanggapin ang pagkakamali at gagawa ng paraan upang itama ito. Hindi niya nanaising maging masamang halimbawa sa kaniyang pamilya. 

Kung gusto nating iwasan ang mga ganitong pangyayari, simulan natin sa paghihinay-hinay sa pananalita at pagkilos. Think before you click sabi nga sa socmed etiquette. Think before you act and think twice before you speak. Anumang gagawin o sasabihin natin ay may reperkusyong maaaring hindi natin magustuhan. Okay lang kung tayo lang, pero madalas pati ang mga mahal natin sa buhay ay nadadamay. 

Ito ay timely warning sa ating mga kapatid. Maraming problemang maiiwasan kung magpopokus tayo sa pamumuhay nang matuwid sa halip na testingin ang limit ng pasensiya at kapatawaran ng Diyos. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama