Objective sense of right and wrong

 


Dahil sanay tayo sa demokrasya kung saan ang kalooban ng nakararami ang dapat masunod, kung minsan dinadala natin ang ideyang ito sa konsepto ng ating katotohanan. Ngunit news flash, ang katotohanan ay hindi demokrasya. 

Hindi mo maraan sa majority vote o majority opinion ang katotohanan. Ang totoo ay totoo kahit pa mayoridad o lahat ng tao ay nagsasabing hindi, ang mali ay mali kahit pa mayoridad ang nagsasabing tama. 

Katulad iyan ng gravity. Anuman ang opinyon natin, kapag tumalon ka sa gusali, hihilahin ka ng gravity pababa. 

Maraming katotohanang hinayag ang Diyos. Ito ay naglalarawan kung paano dapat kumilos ang tao sa espirituwal at pisikal na dimensiyon. 

Isang halimbawa ay isyu ng sekswalidad. Anuman ang opinyon ng tao, ang Diyos ay may nilikha lamang na dalawang kasarian. Walang martsa o month-long celebration ang makababago nito. 

Ganoon din ang marriage. God wills it between a man and a woman. Walang batas, kahit pa ang SOGIE bill na makababago nito. 

Ganuon din ang isyu ng buhay na walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo lamang. Walang relihiyon, gaano man kalaki o kapangyarihan, ang makababago nito. 

Kung gusto nating mabuhay nang matuwid, kailangan nating iayon ang ating buhay sa katotohanang ito. Malibang mamuhay tayo ayon sa katotohanan, ang ating buhay ay mapupuno ng kasinungalingan at kapaimbabawan. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama