Mas mabilis ang bibig


 

Santiago 1:20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.

Ecclesiastes 5:6a Huwag bayaan ang iyong bibig, na papagkasalanin ang iyong laman...

Ayon sa aking nabasa, "Some of the most honest persons are angry people. They speak what is actually in their hearts." Kaya sabi naman ng isa pa, "Move on. They mean what they said."

Nilalabas ng bibig kung ano ang unfiltered na nakatago sa ating mga puso. 

Most of us are taught to filter out language. Kaya kahit na may gusto tayong sabihin, tinatago natin. We coat our words with sweetness sufficient to cause diabetes even if deep within we're bitter. Subalit galitin mo ang tao at nai-inhibit ang filtration system n ito. Lalabas at lalabas ang nakatago sa puso. It makes you speak run faster than your mind. 

Nakapagbibitaw tayo ng mga salitang later on ay ating lulunukin at pagsisisihan. 

Gusto kong isiping this is only true for unbelievers. But the truth is this is equally true for all of us. Sabi nga ni James ang dilang ginamit sa pagpuri sa Diyos ay ginagamit upang alimurain ang tao, that is to wish him not well. 

Such use of tongue is inconsistent to the core of our personhood as a regenerate individual, 1 John 3. We're not supposed to sin because of His Seed within us. We do because we don't abide in Him. We forgot who we are and act as who we were. 

Madaling malaman kung ano ang nasa puso ng isang tao. Lalabas at lalabas ito sa kaniyang bibig. Ang isda ay nahuhuli sa bibig, sabi nga nila. Kung ang bibig ay naaasinan ng biyaya, ang lalabas ay biyaya. Kung ang puso at konsensiya ay hinerohan ng legalismo, judgementalism ang lalabas. Abangan mo pag galit ang tao, at dodoble ang manipestasyon ng nasa puso. Without inhibition, babagsak ang maskara at lalabas ang mga buto sa aparador. 

Kontrolin natin ang ating mga sarili bago natin maisaing ang ating mga sarili sa tubig na tayo mismo ang nagpakulo. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 



(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama