LATE pero sumipot pa rin

 


Pahayag 2:4 Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig.

Let's face it: if you have been a Christian for a long time, dumarating ang puntong tila ayaw mo na dahil puno na ang iyong pinggan. 

Pakiramdam mo bawat hakbang mo ay may humahawak sa iyong paa. Pinipigilan kang lumakad. Pinipigilan kang gumalaw. 

Pressure sa trabaho, pressure sa school, pressure sa domestikong relasyon... Gaya ng anumang sistema, ang kapag napuno na ng pressure, it has to relieve itself by releasing it. Unfortunately, madalas ang simbahan ang nasasakripisyo. 

Bakit hindi na nagsisimba? O kung magsimba ay LATE? Ito ay dahil puno ka ng pressure at ang simbahang dapat ay tumulong sa iyong mag-cope ay hindi. Sa halip na makahanap ng comfort sa church, ang iyong nahanap ay karagdagang pressure sa anyo ng legalismo. 

And by late, I am not referring to not coming on time, although marami ang late dahil wala nang excitement. I am referring to the fact that church going becomes an empty religious exercise. Wala na ang excitement. Wala na ang first love. 

Wala na ang pitik sa mga paa nang una kang maging Cristiano. Noon gusto mong hilahin ang mga araw dahil sa kenggwahe ni David, gusto mong manahan sa tahanan ng Diyos, makita ang Kaniyang awa at biyaya, Awit 23. Ngayon, ayaw mo nang gumising kapag Linggo dahil wala ang desire na matuto ng Salita ng Diyos. 

Excited ka sa work dahil sa promotion, excited ka sa school dahil sa awards and honors. Wala kang excitement sa church. Patay ang relasyon mo kay Cristo. 

Ano ang dapat gawin? The same na dapat mong gawin kung nawala ang iyong interes sa anumang bagay- just hold on. Ang interes at kawalan nito comes and go. Ngayon interesado ka, bukas hindi. Pero just go. Alalahanin mo ang mga unang araw. Alalahanin mo kung ano ang nagpainlab sa iyo sa Diyos. 

Alalahanin nating nagsisimba tayo hindi para sa tao kundi para sa Diyos. Huwag natin hayaang tisurin tayo ng mga taong hindi naman dahilan kung bakit tayo nagsimba in the first place. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 



(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama