Laging galit ang mga relihiyonista

 


Santiago 1:20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.

Ang galit ay isa sa mga gawa ng laman, Gal 5:19-21. Ang isang taong magagalitin ay lumalakad sa laman, gaano man siya karelihiyoso, Juan 7:23; Mat 5:22. 

Ngunit bakit laging galit ang isang relihiyonista? Isa sa mga dahilan ay ang kawalan ng panloob na kapayapaan, Gal 5:22-23. Ang isang taong walang kasiguruhan ng relasyon sa Diyos ay hindi magkakaroon ng kapayapaan sa kaniyang sarili. Lagi niyang iniisip na kung hindi siya magsisipag sa paglilingkod, hindi siya tatanggapin ng Diyos. Dahil dito lagi siyang abala sa paggawa. Sa kaniyang paggawa, nakikita niya ang sarili na katanggap-tanggap sa Diyos. Dahil dito kapag nakakakita siya ng ibang gumagawa, siya ay nagagalit dahil ito ay paalalang maaaring mangyari rin ito sa kaniya. Nakikita niya ang kaniyang sarili sa iba at ito ay nagtutulak sa kaniya upang ilabas ang kaniyang self-hatred. 

Kahit sa nga nanghahawak sa eternal na seguridad, nangyayari ito, lalo na sa mga nanghahawak sa Lordship salvation. Sa papel, sila ay nanghahawak sa eternal security, ngunit in practice, ang kanilang kasiguruhan ay nakasalalay sa kanilang mga gawa at sa kanilang katapatan. Dahil wala silang kasiguruhang sila ay kabilang sa mga sigurado (ang kasalanan ay patunay na hindi), nagagalit sila sa anumang katamarang espirituwal, sa kanila man o sa iba. They are driven to perform dahil ito ang katiyakan ng kanilang pagiging tiyak..

Kahit sa mga Free Grace believers, nangyayari pa rin ito. Maaaring tiyak siyang ang kaligtasan ay sa biyaya, at walang anuman, kahit pa ang apostasiyang makaaalis ng kaligtasan, kung ang oriyentasyon niya ng Cristianong pamumuhay ay sa gawa, mamumuhay siyang laging pinu-push ang sarili (at iba) na gumawa. Ang kabiguang maabot ang kaniyang self-imposed standards ay nagreresulta sa pagiging magagalitin. 

Naalala ninyo ang nakatatandang kapatid sa Lukas 15? Laging nakatuon ang ating atensiyon sa alibughang anak ngunit by the end of the story, the elder is just as lost as the younger as far as appreciation of grace is concerned. The younger didn't appreciate grace of the Father by using it in riotous living. The older didn't appreciate grace when he saw the Father showing it to the repentant younger son? Ano ang kaniyang reaksiyon sa display ng biyaya? V28, he became angry. Galit siya dahil sa kaniyang sariling bibig mismo (v29-30), he worked so hard to earn the Father's favor but he didn't feel it (hindi niya na-appreciate ang goodness of the Father, v31b "all that is mine is yours") samantalang ang younger son na nilustay ang kayamanan sa patutot (how did he know? He didn't. He just make accusations - angry people are accusers), ay pinakitaan ng biyaya. Naiinggit siya nang dahil sa kambing, v29, samantalang ang lahat ay kaniya, v31! Talk about being ungrateful!

Gaya nang nakita natin sa kwentong ito ng magkapatid, ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos. Sa halip na matuwa sa pagbabalik ng naligaw at nawalang kapatid, siya ay galit dahil ito ay pinabalik. Ganito ang mga relihiyonistang nagagalit sa anumang demonstasyon ng biyaya.

They're uptight. Lahat ay de-numero, after all "for so many years I have been serving You" (v29), and the others don't. 

Ang pagiging magagalitin is a sign of lack of grace orientation. 

Kung kahit simpleng pagkakamali ay dahilan upang ikaw ay magalit, check your attitude. Hindi magagalit ang Diyos nang dahil lamang sa nagkamali ka sa paglilingkod, natawa sa prayer meeting o nakalimutang magdala ng Bible. Galit ang Diyos sa rebellion laban sa Kaniya o sa paglapastangan sa Kaniya pero hindi sa mga bagay na resulta ng pagiging tao. 

By the way misrepresenting God's gracious character is blasphemy.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama