Keeping with the Joneses

 


May mga taong may obsession na makikumpitensiya sa lahat ng bagay. Nang magkaroon ng kotse ang katabi, dapat sila mayroon din. Nang ang anak ng kapitbahay ay nakapasok sa sikat na unibersidad, dapat ganoon din sila. Unfortunately hindi immune ang mga Cristiano sa kaisipang ito. 

May mga Cristianong inuuna ang pagpapasikat sa komunidad kaysa tugunan ang pangangailangan ng pamilya. Kuntodo porma ngunit hindi mapaklase nang maayos ang mga bata. Bagong damit, bagong kulot at bagong manicure; pero walang maayos na uniporme o baon ang mga bata. 

Dala rin ito sa simbahan. Papasok sa simbahan nang may bagong mga damit pero walang almusal (at huwag nawang mangyari) walang tanghaliang aabutan matapos ang simba. Ang pressure na makita ng iba na nangingintab sa burloloy ay napakalaki.

Kapag mas excited ka na magkaroon ng latest na fashion o makasunod sa trends kaysa sa susunod na Bible studies, mag-ingat ka. Ang ating puso ay palaging masusumpungan sa kung nasaan ang ating kayamanan. At kung ano ang nasa puso natin, aapaw ito sa ating pananalita at gawi. 

Nakakatawa ito pero hindi nakakatuwa. 

Para sa isang bayang hiwalay para sa Diyos, nakakatuwang gusto natin ang balidasyon at aprubal ng sanlibutan. Gusto nating i-impress ang mga taong hinahanap ang ating kapahamakan just because we are different. 

Sa halip na pag-ubusan ng panahon ang pag-impress sa iba, gugulin natin ang oras na i-impress ang Diyos. Ilaan natin ang ating oras sa pag-aruga ng ating pamilya. Ang pamilyang iyan ay pinagkatiwala sa atin ng Diyos. Obligasyon nating pagyamanin ito sa pananampalataya at pagpapahalagang Cristiano. We'll never ever fit. Not without compromising our beliefs and values. Kapag nangyari iyon, patay na ang ating ilawan. Sa halip na tanglaw sa mga unbelievers, tayo ay nakikibahagi sa kanilang kadiliman.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama