Insecure yarn?
I don't know why some people have the need to be validated by others. Sorry to be blunt but I will only accept validation from people I validated myself, so that sort of negates the need for validation, no?
Why can't we simply live as if God is in the room? If we think this way, we won't need the validation of others. After all, gaya ng blog ko kahapon, right is right even if everyone is against it and wrong is wrong even if everyone is for it.
Para sa isang Cristiano, ang standard ng tama at mali ay hindi ang nagbabagong opinyon ng mga tao kundi ang hindi nagbabagong aral ng Kasulatan.
Maaaring sa mata ng mundo, we are peculiar, but who cares. In my view they are the weird ones because they are going against what I believe is God's Word and will.
May mga taong will bend back abd everything makuha lamang ang aprubasyon ng iba. Why? Sino ba ang mga taong ito na kailangan halikan ang pwet (figuratively I hope)?
Ayon sa Biblia, we are all sinners (Romans 3:23 for instance) and therefore anumang opinyong galing sa tao ay dapat tanggapin with a grain of salt. They must be compared with what the Bible says.
Even if the whole world thinks something is right, if the Bible says it is a sin, it is a sin. Hindi mo kailangang i-validate ka ng iba in your sinfulness and rebellion.
Kung ang happiness mo ay nakabase sa aprubal ng iba, you won't be happy. The moment they withdraw their approval, you're miserable. Ang happiness na nakabase sa panlabas na sirkumstansiya will never be stable. Happiness should be within, in the context of your relationship with Christ.
To put it bluntly, if you're happy, you will be happy with little or much. If you're unhappy, prosperity will just multiply your unhappiness.
You don't need others to validate you. Our relationship with people is a sauce that makes your meat tasty; but it is not necessary for sustenance. Similarly, we need to live according to God, our relationship with people makes our pilgrimage on earth beautiful, but not necessary. Sometimes you have to cut ties to prioritize your journey with God.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment