Ikaw ang aking pahinga
"Ikaw ang aking pahinga."
Cheesy, I know. But this is how the husband-wife relationship should be. Maraming relationship ang nasa brink of breaking up dahil the husband and the wife cannot found peace and rest sa kanilang mga bahay.
Kapag ang iyong sambahayan ay hell on earth, huwag ka nang magtaka kung maghahanap siya ng "langit" sa ibang lugar. Hindi mo kailangan ng kakayahang makakakita ng S line para ma-realize ito.
Ang pamilyang Cristiano ay dinesenyo upang ilarawan ang espirituwal na buhay. Ang pag-ibig ng asawang lalaki sa babae ay larawan ng pag-ibig ni Cristo sa simbahan. Ang pagsunod at pagpapasakop ng asawang babae sa lalaki ay larawan ng pagpapasakop ng simbahan kay Cristo. Ang pangangalaga ng mga magulang sa kanilang mga anak ay larawan ng pangangalaga ng Diyos sa Kaniyang mga anak. Ang pagsunod ng mga anak sa magulang ay larawan ng pagsunod ng mga Cristiano sa kanilang Ama sa langit. Ang pagkakaisa ng mag-asawa ay larawan ng pagkakaisa ni Cristo at ng simbahan. Ang pagkakaisa ng buong pamilya ay larawan ng future na pagkakaisa ng pamilya sa langit at pamilya sa lupa sa hinaharap.
Ang ating pamilya ay mga ilawan sa madilim na henerasyon.
Kung ang nakikita nila ay pamilyang madilim ang ilawan, magtataka ba tayong ayaw nila sa ating mensahe? Isang bagay ang itakwil ng mga tao ang ating mensahe dahil ito ay radikal- kaligtasan sa pananampalataya lamang; ngunit ibang bagay ang itakwil ito ng mga tao dahil sa ating pangit na halimbawa.
Ang pamilyang Cristiano ang haligi ng simbahan. Palakasin natin ang institusyon ng pag-aasawa at pagpapamilya.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment