I can see in you the beauty of my King... NOT

 


Bantog si Mahatma Gandhi sa quote, "I like your Christ, I do not like your Christians. Your Christians are so unlike your Christ." I think ito (and its versions) ang pinakamasakit na salitang maaaring marinig ng isang Cristiano.

Naalala ko ang kwento ng aking biyenan nang sila ay lumibot para mag-evangelio. Sabi ng kaniyang kausap, "Magsisimba sana ako kung hindi lang dahil kay (_________)." Natisod ito dahil sa isang Cristiano. 

Ang aking ina ay hindi nagpatuloy sa pagsamba noon sa Goa dahil sa isang kapatid na nakiapid (at sumira sa buhay) ng kaniyang kaibigan. 

On the by other hand, minsang naglilinis ako ng simbahan sa Dahat, narinig ko ang isang kapitbahay, "Iyang si Manoy Onyo, tubod ako sa pagka-Cristiano kaan." She's referring to my father-in-law. May magandang testimonyo si tatay sa kaniya. 

Bilang mga Cristiano, ang ating buhay ay may epekto sa iba. Maaaring hindi sila nagsasalita ngunit ang ating mga kapitbahay ay nagmamasid, nagtatanong kung ang ating gawa ay ayon sa ating salita. Wala akong problema kung ayaw tanggapin ng aking mga kapitbahay ang aking mensahe, pero huwag naman nawang dahil sa ako ay katisuran sa kaniya dahil sa masamang halimbawa. Okay lang sa aking matisod sila dahil hindi ako marunong makisama (wala akong balak makipagkaibigan sa sanlibutan) pero huwag nawa silang matisod dahil ang aking pamumuhay ay nagpapasinungaling sa katotohanan ng evangelio.

Tayo ay mga ilawan ng sanlibutan at kung ang ating ilaw ay madilim, marami ang madadapa. 

Mag-ingat tayong paliwanagin ang ating ilaw sa harap ng sanlibutan. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama