Hahanapin ko muna ang aking sarili

 


Minsan kapag iniimbitahan natin ang mga lapsed Christians (mga Cristianong matagal nang hindi nagsisimba), sasabihin nilang busy lang o may problema lang o kaya naman ay hahanapin niya lang ang kaniyang sarili. Kapag naayos na niya ang kaniyang buhay, saka siya babalik sa simbahan.

To be honest, makahahanap ka ng kahit anong excuses na gusto mo kung ayaw ming magsimba. On the other hand, kinikilala nating may mga taong lehitimong naghahanap ng kanilang sarili. Marahil, naalog ang kanilang pananampalataya dahil sa mga recent events sa kanilang buhay o sa kanilang mga napakinggan o namasdan sa paligid. Maybe kailangan nila ng time to be alone. 

But may I make a suggestion? Maybe you need the exact opposite: you need to return to Christ. You need to return to the church.

Sabi nga ng meme natin, to get back on your feet, you need to get back on your seat at church. 

One of the most dangerous thing a depressed Christian can do is to be alone. Maraming lalong nababaon sa depression and sometimes drawn to suicide dahil sa kanilang excessive introspection. Instead, you need to be with people who share your faith and values. In other words, you need other believers. 

And this is true not only for depressed individuals but any Christian na may hinaharap na pagsubok.

Sa simbahan, makaririnig ka ng Salita ng Diyos na magbibigay sa iyo ng karunungan upang harapin ang mga pagsubok ng buhay.  Sa simbahan, makasusumpong ka ng mga kapatid na handang pakinggan ang iyong mga hinaing. Sa simbahan makasusumpong ka ng mga taong titindig sa iyong likuran, magbibigay ng balikat na maiiyakan at ipagtatanggol ka sa mga kritiko. 

Sa simbahan makaririnig ka ng encouragement. Sa simbahan mararanasan mo ang pag-ibig ni Cristo. 

Kung hindi mo maramdaman ang mga ito, naaawa ako sa iyo. Maybe kailangan mo ng bagong simbahan o kailangan mong baguhin ang iyong attitude sa kapatiran. 

Ang simbahan ay dinesenyo upang maging hospital at hospice. Maybe the solution to whatever you're facing is naghihintay sa iyong regular na upuan sa simbahan.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama