God's grace still amazes me
"God's riches at Christ's expense."
"Everything God can do for you on the basis of the Cross."
"The unmerited favor of God."
Ang biyaya na marahil ang pinakamagandang pakinggang salitang aking napakinggan sa buong buhay ko. Sa isang mundong ang empasis ay nasa merito (if you want something, work for it) o nasa reciprocity (I will scratch your back if you scratch mine), ang grace ay refreshing concept.
Hindi ba magandang balitang malaman na ang hindi mo kayang gawin para sa iyong sarili (ang magkaroon ng buhay na walang hanggan) ay mapapasaiyo nang walang bayad (isang libreng kaloob) sa pamamagitan lamang ng pananampalataya?
Bakit? Dahil si Cristo ang gumawa ng kaligtasan sa Krus.
Ang mabuting balita ay tatanggapin mo ito nang walang bayad sa pamamagitan ng pananampalataya.
Dahil sa ganda ng balitang ito nagtataka ako bakit tinatakwil ito ng tao? Hindi ko maunawaan kung bakit maraming tao ang umaayaw sa biyaya ng Diyos at sa halip ay umaasa sa kaniyang sariling gawa o kabutihan o relihiyon.
Maging sa mga nagpapakilalang mga tao ng biyaya, naruon ang tendensiya na i-dilute ang biyayang ito. Hinahaluan natin ito ng Kautusan o ng moralismo o ng relihiyon. Hindi tayo natutuwang may nakikinabang nang walang bayad kaya kinakabitan ng legalismo. Kung hindi ka magsisimba, hindi ka magpe-prayer meeting, hindi ka magde-devotional, isa kang secondary Christian.
Ang mga ito ay mabubuting gawa kung ito ay mula sa pusong umaapaw ng biyaya. Ngunit sa sandaling ito ay marumihan ng legalismo o ng pagnanais na magperform, alalahanin natin ang Roma 11:6.
Bakit hindi natin hayaan ang biyaya na maging biyaya? Bakit lagi natin itong hinahaluan ng foreign system of living and thinking? Hindi ba sapat ang biyaya ng Diyos at kailangang haluan ng Kautusan? O ng relihiyon?
Maupo tayo nang madali at pag-isip-isipan ang mga bagay na ito.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment