God can't possibly love me

 


Wanna bet He does?

Roma 5:8 Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

Dumating si Jesus para hanapin ang mga nawawalang tupa (at kambing, if I may add), hindi Siya dumating para sa mga matuwid (o nagpe-feeling matuwid) kundi para sa mga makasalanan. Makakaasa kang kung alam mong ikaw ay makasalanan, gaano man ito kalaki o kalalim, si Cristo ay dumating para sa iyo. Hindi upang i-bully ka sa relihiyon kundi upang mamatay as your Substitute. 

Namatay Siya to take the penalty for your sins. 

Maaaring sa iyong palagay, nag-give up na sa iyo ang Diyos but He didn't. As far as He is concerned, you're worthy to be the object of His love and grace. 

Huwag kayong makinig sa mga relihiyonistang gini-guilt trip ka so you shape up. Manalig ka sa Cristong iniwan ang lahat, na handang mamatay ang Matuwid para sa mga hindi matuwid upang dalhin kayo sa harap ng Diyos. 

Hindi ko alam ang iyong nakalipas but it doesn't matter. What matters is the NOW- would you believe in Jesus for everlasting life? He promised everyone who believes shall not perish but have everlasting life and He always keeps His promise, John 3:16; Acts 16:31.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama