Friendly to Jesus, Hostile to Church
Hebreo 10:25 Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.
Maraming taong nagsasabing mahal nila si Jesus ngunit ayaw magsimba dahil ipokrito ang simbahan.
To be honest, I don't blame them. May mga simbahang so far away from who and what Jesus is na hindi ko sila masisisi kung matisod sila.
However, hindi ito sapat na dahilan to give up on the church. If one church seems to be a den of hypocrites, look for another. I am sure there are churches that strive to be salt of the earth.
Ang ating pamamahal kay Cristo ay masusukat sa ating pagmamahal sa Kaniyang simbahang pinag-alayan Niya ng Kaniyang buhay upang tubusin mula sa kasalanan.
Kung talagang mahal natin si Cristo, mamahalin at paglilingkuran ang Kaniyang simbahan, gaano man ito ka-imperpekto.
Sure, pwede mong pekein ang pagmamahal kay Cristo, pwede mong ipagsigawan araw-araw na mahal mo Siya. Pero hindi mo mapepeke ang pagsisimba. Either nasa simbahan ka o wala. Walang in-between.
Of course, ang pagsisimba ay pwedeng mahulog sa legalismo kung saan nagtsetsek tayo ng mga kahon ng ating katapatan. Basta nakasimba na, feeling natin okay na.
Ngunit ang pagsisimba ay may layon: una upang matuto at tumupad ng Kaniyang Salita. Siya mismo nagsabi, "If you love Me, keep My commandments." Ikalawa, upang pangaralan o i-exhort ang bawat isa. Sa isang linggong hindi tayo nagkita, marami tayong naranasang maaaring magpahina ng ating kalooban. Ang Linggo ang pagkakataon natin upang palakasin ang loob ng bawat isa. Ikatlo, upang hikayatin ang bawat isa sa pag-ibig at mabubuting gawa. Ang Linggo ang ating pagkakataon upang himukin ang mga Cristianong gamitin ang kanilang mga kaloob sa ikatitibay ng bawat isa.
Ang Cristianong nasa bahay lamang at nakikinig sa Youtube ay hindi nagagawa ang mga bagay na ito. Oo, natututo ka ng doktrina ngunit wala kang pagkakataong tuparin ito. Paano mo mamahalin o paglilingkuran o patatawarin ang Youtube?
Ang ating pagsisimba ay kailangang maging bunga ng ating pag-ibig kay Cristo at hindi pagiging simpleng relihiyonista. Sa mga may asawa nang katulad ko, kasiyahan nating paglingkuran ang ating mga maybahay. Gusto natin lagi silang makita at sa gabi, pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, gusto nating kumustahin ang kanilang araw at palakasin ang kanilang loob. Ganuon din sa simbahan. Kung mahal natin si Cristo, mamahalin natin ang Kaniyang simbahan, kukumustahin natin ang kapatiran at palalakasin ang kanilang loob matapos nang isang linggong trabaho.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment