Faithfulness is the key

 


Paano? 

Naging tapat sila sa misyong binigay ni Cristo bago umakyat sa langit gamit ang probisyong binigay ng Diyos.

Ano ang misyon? Ibahagi ang mensahe ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ikalawa, dalhin ang mga naligtas sa maturidad ng pananampalataya. 

Ano ang probisyon? Ang Espiritu Santo at ang Salita ng Diyos. 

Hindi sila umasa sa programang panrelihiyon. O pag-endorso ng mga nasa kapangyarihan. O sa suporta ng publiko. Hindi, umasa sila sa kapangyarihan ng Diyos. 

Nagpokus sila sa pangangaral at pagpapatibay ng mga inaralan. 

Kailangan nating alalahanin ito sa ating mga modernong simbahan. 

Umaasa tayo sa mga programang pumupuno sa oras ng mga Cristiano ng kung anu-anong bagay maliban sa Salita ng Diyos at kapangyarihan ng Espiritu. Abala tayo sa panggagaya sa ibang mga simbahan. Isinasagawa natin ang corporate equivalent ng keeping with the Joneses. 

Ang ibang simbahan ay may ganitong ministri kaya dapat mayroon din. Mayroon silang ganitong pag-aari, kaya dapat tayo ay mayroon din. Mas madalas tayong nakatingin sa palibot kaysa sa itaas. 

Hindi tayo nakapokus sa Ulo ng Simbahan. 

Walang masama sa maraming ministri. Masama kung ito ay ginagawa to keep with the Joneses o may espiritu ng kompetisyon. Kung ang layon ay patibayin ang mga Cristiano, by all means, go. Pero kung ito ay panggagaya just for the sake na manggaya, we won't turn our world upside down. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama