Do not challenge me- you're probably a liar then
As a teacher, after delivering a lesson I usually ask, "Any questions?" Nauunawaan kong maaaring may na-miss akong puntos, o baka hindi malinaw ang aking paka-deliver o maaaring may mali akong nasabi. Naiintindihan kong ang mga tanong na ito humahadlang upang ganap na maunawaan ang aking leksiyon.
Nakalulungkot na hindi ganito ang attitude sa ating mga simbahan. Nagiging monologue ang simbahan na walang meaningful discussion. Maraming dahilan kung bakit. Minsan by sheer force of inertia- this is how things are run before and we just continue with the system. Minsan dahil hindi naman nakikinig ang mga nasa upuan. Mahirap magtanong kung hindi mo alam kung ano ang pinag-uusapan. Minsan ang dahilan ay ayaw ng gurong tinatanong.
Ang isa sa pinakamalungkot na pahayag na maririnig sa pulpito ay, "Gusto mo palit tayo. Dito ka, diyan ako." Ito ay tanda ng kapalaluan at kawalan ng willingness na makipag-usap.
Ang pag-aaral ay tila pagkain. Pagkatapos isubo, kailangan itong nguyain sa maliliit na piraso upang madaling ma-digest at magamit ng katawan. Ang sinumang lunok lang ng lunok ng pagkain ay siguradong magkakaroon ng health problems.
Ganuon din sa espirituwal na pagkain. Hindi tayo dapat tanggap lang nang tanggap ng anumang doktrina o pagbabago nang hindi pinagninilayan. Hindi katanggap-tanggap sabihing, "Yan ang sabi ng pastor." To have ownership of what you learn, dapat pinagnilayan mo ito at nang makita mo ang mga impliaksyon, saka mo sumampalatayahan.
Nangangahulugan ito ng pagtatanong kung kailangang linawin, pakikipagdayalogo kung may agam-agam o pagsangguni sa ibang mas may higit na kaalaman sa paksang pinag-aaralan. Dapat nating tanggapin na hindi natin monopolyo ang lahat ng kaalaman at may birtud sa pakikinig sa iba.
Ngunit kung ang isang tao ay palalo (no matter how he publicly poses as a humble person), hindi ka makikinig sa iba. Ang lagi mong depensa ay iyong authority. "Ako ang pastor, ako ang tama," ay hindi makatutulong sa mga Cristianong lumago sa biyaya at pagkakilala sa Panginoong Jesus. Kung kumpiyansa ka sa iyong tinuturo dahil pinag-aralan mo ito nang husto at kumbinsido kang ito ay tama, hindi ka matatakot na may magtanong. Masasagot mo ang mga isyung pinupukol dahil nauunawaan mo ang paksa. Maliban na lamang kung ito ay kinopyahan mo sa iba (that is how we caught ang mga nangongopya- hindi nila mapaliwanag ang sariling papel). Kung may tanong na hindi mo alam ang sagot, walang problema kung sabihin mong, "Hindi ko alam ang sagot ngayon pero pag-aaralan ko at babalikan kita." Or better: "Let us find the answers together." Kung hindi mo makumbinse ang nagtatanong, that is not your problem. Ang mahalaga, binigyang katuwiran mo ang iyong posisyun.
Ang kasinungalingan ay ayaw na kinukwestiyon dahil hindi ito makatatayo sa kaniyang sarili. Kailangan nitong magtago sa likod ng awtoridad. Ito ang dahilan kung bakit maraming cults ang nagtatago sa likod ng estado para i-enforce ang kanilang turo dahil kung walang state sponsorship, lalangawin sa merkado ng ideya ang kanilang mga turo. Ito ang dahilan kung bakit maraming cults ang authoritarian. "Believe or else."
Bilang mga Cristiano, tinawag tayo upang lumago sa biyaya at kaalaman, hindi upang maging tanga. Mabigat na pananalita ito ngunit the earlier na maunawaan natin ito, the better in the long run.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment