Dami mong oras sa iyong mga kamay
"Dami mong oras a. Lagi kang online. Siguro wala kang ginagawa."
Lol. Mas marami pa akong ginagawa kaysa sa karamihan sa inyo. Marunong lang akong gumamit ng aking oras dahil long ago s-in-ettle ko ang aking scales of values at tig-workout ang aking priorities.
Sa pagkagising pa lang, matapos ang prayers at Bible readings na aking s-in-hare sa aking Facebook, mag-iigib pa ako ng tubig, maglalaba nh mga basahang inihian ng aking mga entitled na aso, magwawalis sa bakuran at kung may nilbahan the night before, magsasampay. Bago pa ako umalis for work, pumped na ang aking muscles sa daily morning chores.
Pagdating sa school, i-a-update ko ang aking DLL at class records. I am proud to say na lagi silang updated and I never missed a deadline for submission.
Then 5 hours of teachings, sometimes (depende sa latest change of schedule) three in a row. I am also proud to say na lagi akong pumapasok at nagtuturo sa klase.
In between sa classes, I will read (and share if I think it is helpful) 10-15 Christian blogs (because you always learn from others and how can I teach if I don't study), read (and share) sections of 20-30 books, write one to three blogs, translate FG blogs and books into Filipino, update my Sunday Bible study outlines, and prepare PowerPoint for my Sunday lessons (including quiz, yes I gave weekly quiz on James). Daily.
Kung may meetings o kung anong kaabalahan sa school, you have to make time for this.
Then susunduin ko pa ang aking anak sa klase. Kung may errands, magde-detour pa sa market (thankful to my wife na bihirang bihira lang ito mangyari).
Then at home, after magmeryenda (kung mayroon) at magpahinga, chores ulit gaya ng pagbabanlaw at pagsasampay ng mga damit (kung naglaba ulit).
Then after supper, I will workout for 30-50 minutes. Dahil I believe in a healthy theology of the body.
Then may time akong magrelaks by playing online games. Or visit Temu or Shoppee.
Lahat ng ito ay posibleng madisturbo kung may emergency sa family like umuwi kami ng Amoguis para dalhin si Tatay sa Medicare nang matanggal ang cathether.
Saturday is chores day. It is also when we do our filial duty by visiting my in-laws. Noon nga nagdadamo pa, nag-aabono o nagpuputol ng mga tuyong sanga ng kalamansi.
Sunday is chores in the morning and church in the afternoon. Then preparation for another school week.
Daily. Week after week.
Ang misis ko, aside from doing house chores, nagagawa pa niyang maging driver ng mga bata, service driver nila tatay, nag-aalaga ng baboy at nagtatanim ng kaniyang mga tanim. Mas busy pa ang aking misis kaysa akin.
We're occupied the entire week. 6 days sa "secular" and one day sa church.
Mas busy pa kung may scheduled na house to house evangelism or church meetings. Dati nga ako pa ang nag-aasikaso ng visuals ng prep school, nag-o-oversee ng choir practice, naghahanda ng snacks nila, nag-a-update ng prayer list, naghahanda ng Dahat sa quarterly business meeting, luncheon at Lord's Supper at nag-i-schedule ng first service preaching. Thankfully hindi ko na hinahawakan ang mga ito.
Hindi pa rito kasama yung oras na ginugugol sa pamilya. If you have teenage kids, alam ninyo kung gaano karaming oras ang kailangan mong ilaan upang gabayan silang lumakad sa moral jungle na kanilang hinaharap.
So at any point of day, I am a public school teacher, a Bible teacher, a translator, a gym rat, a gamer, a husband, a father...
One cannot do this without giving up something. This means na bihira lang akong manuod ng TV. These days halos puro balita na lang, ginagawa pang radyo. Hindi rin ako lumalabas para makipag-inuman, makipag-Marites/Parites, o anumang bisyo. Tumigil na rin ako sa pakikidebate sa FB dahil na-realize kong ito ay kumukunsomo ng two to three hours nang hindi namamalayan. Hindi na rin ako sumasama kapag ang aking mga kalungga ay may okasyon o when they eat out. How can I kung laging puno ang aming plato?
Nangangahulugan itong kailangan naming mag-priority kung saan gagamitin ang oras. We have to be intentional how we use our time. I learned to multitask: like reading while biking or "listening" to news from TV while lifting.
I am writing this not to brag or to rant. I guess this is apologetic and polemic laban sa mga nag-aakalang easy go lucky lang kami. We learn to say no to many things, dahil kung hindi, we'll be stretched too thin that we will be useless. So kung may mga activities sa church or school na aking tinatanggihan, it is because I can't thank anything anymore.
I have decided my priorities. Mahalaga sa akin ang aking faith and family. Secondary lang ang friends.
Kahit sa socmed ko less than 5% is about our family. 95% is about the Bible.
Lahat tayo ay may 24 hours. How we use them is our stewardship. How do you use yours?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment