Communication should give clarity

 



I am thankful to God for my wife. Sa mga panahong kailangan kong mag-isip-isip, siya ang spool na nag-a-untangle ng mess of my thinking. 

Many times magulo ang aking isip pero pagkatapos kong makipagkwentuhan sa aking misis, naliliwanagan ako. 

I am blessed to have such people in my life. I am very thankful to my father-in-law and mother-in-law for being such persons. Many times, I consult them to clarify my thinking. 

Good communication gives clarity. Ang tamang orasan ay dapat magbigay ng malinaw at maayos na oras. Hindi mahalaga kung gaano kakintab ang orasan, kung mali ang impormasyon nito, magbibigay lang ito ng kaguluhan. 

God is not the God of confusion and as people of God, we shouldn't be confused people as well. 

Ngunit madalas may confusion sa ating communication dahil we have agendas. Iba ang lumalabas sa ating bibig kaysa sa laman ng ating puso. We play a role in a play called hypocrisy. Iba ang sinasabi sa pribado sa sinasabi sa publiko. Iba ang buhay sa Linggo kaysa sa Lunes at Sabado. We don't have integrity. 

At kung tayo ay may confusion, confused din ang ating relationship sa iba. Hindi ka makapagbibigay ng kaliwanagan sa iba kung ikaw mismo ay nadidiliman sa iyong isipan. For people of leadership, this is a problem. Ihuhulog mo sa butas ang iyong mga tagasunod kung walang malinaw na linya ng komunikasyon. Worse, kung iba ang iyong sinasabi sa isang bahagi ng grupo, at iba naman sa ibang grupo. 

For a pastor, that is a double no, no. Remember, a mist in the pulpit is a fog in the pew. Paano susunod ang mga nasa upuan kung ang pulpito ay nagbibigay ng mixed, confusing and contradictory signals. 

Minsan ang dahilan ay maraming competing voices na nagki-claim ng authority. Mahirap sabihin ang oras kung may dalawang orasan. Mas mahirap kung ang lumang orasan na dapat nang palitan ay nagnanais pang diktahan ang tama at bagong orasan. 

Nitong Hulyo, nagpalitan ng posisyun. Good manners and right conduct ay nagsasabing ang papalitan ay dapat maging maingat sa pagsimula ng anumang programa o mag-hire ng sinumang tao na maaaring manahin ng papalit sa kaniya. Dapat niyang hayaan ang papalit na magpasimula ng kaniyang programa at mag-hire ng kaniyang crew and staff. Otherwise, maaaring magkaroon ng programang walang balak suportahan ng papalit (sayang ang pera at lakas) o mag-hire ng mga taong ang loyalty ay nasa pinalitan. That is a fifth column to the new administration. In fact may laws tayo na nagsisigurong maiiwasan ito. 

Think clearly, speak clearly, understand clearly and step out of your way to ensure clarity. Huwag na tayong makaragdag sa kaguluhan ng sandali.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama