Ang tunay na barako

 



1 Corinto 16:13 Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas.

What does it mean to be real men? Ang pagki-claim na ikaw ay barako boys" (whatever the hell that means) does not make you a real man. 

Hindi ko alam kung legit na sinabi ito ni Chuck Norris but I agree with the sentiment. To be a real man is to live for Christ.  

Maraming mga false ideas kung paano magpakalalaki. Karamihan sa mga ito ay nakabaon sa machismo culture. 

Ang iba ay nag-aakalang ang tunay na lalaki ay pinakasiga sa kaniyang lugar. Tunay kang lalaki kung walang sinumang hahamon sa iyo ng away. Setting aside the fact na walang sigang hindi tinatablan ng tingga, ang pagiging siga ay hindi palatandaan ng pagiging tunay na lalaki. Most likely it means na sila ay may inferiority complex at tinatago nila ito by beating anyone na may mas mataas na esteem kaysa kaniyang sarili. 

Ang iba naman ay in-equate ang pagiging tunay na lalaki sa kaniyang mga "conquests" o kung ilang babae ang dumaan sa kaniyang higaan. Rather than being a real man, this is a sign of a weak man. A real man resists any attempt to enslave him at ang ganitong uri ng lalaki ay alipin ng kaniyang pagnanasa. Paano mo masasabing tunay na lalaki ang taong sunud-sunuran sa tatlong pulgadang laman sa pagitan ng kaniyang hita? 

Ang iba naman ay nagpapalagay na ang tunay na lalaki ay ang may kapangyarihan. Iniisip nilang kapag dumating ka sa puntong sinusunod ka ng iba dahil sa iyong posisyun sa buhay, ikaw ang tunay na lalaki, you're the man. Ngunit ang katotohanang maraming mga "alpha male" (Byron reference?) na winawasak ang kanilang sarili dahil sa poor life choices ay nagpapakitang ito ay hindi tamang sukatan ng pagiging tunay na lalaki. 

Ang iba naman ay nagtatago sa kayamanan. Iniisip nilang ang tunay na lalaki ay masalapi. Mahalaga ang kayamanan upang matugunan ang mga pangangailangan ng laman ngunit kung ito ay totoo, ang kga mayayaman ang pinakamasaya sa lahat ng mga tao. Ngunit ang balita at marahil mayroon kayong personal na kilalang mga lalaking mayaman ngunit miserable. 

Ang iba naman ay nagtatago sa likod ng karunungan. Iniisip nilang kung sila ang pinakamatalinong tao, sila na ang tugatog ng pagkalalaki. But the last time I checked, even the wisest of men are not immune to depressions.

Ang iba ay nagtatago sa pisikal na lakas. O sa husay sa martial arts. That is until age catches up or someone stronger and better comes along. 

Ang iba naman ay nag-aakalang ang tunay na lalaki ay ang may pinakamaraming akomplisimiyento. Kailangan mo lamang basahin ang aklat ng Ecclesiastes upang makita na hindi ito totoo. The most accomplished man of all time finds all of these as meaningless. 

Then ang iba ay nagtatago sa relihiyon. Until they read Matthew 23 and hear the condemning words, "Woe!"

Lahat ng mga ito ay false concepts of what it means to be real men.

The highest example of being a real man is Jesus Christ. And He used His life in serving and accomplishing the will of God. 

If we wanted to be real men, we will serve God by living for Christ.

This is specially true for our time when it takes greater courage to stand up for the faith. Sa panahon nating hostile sa truth of Christianity, it is easier to be silent and went along with the world (1 John 2:15-17). 

It takes courage to plant your foot and say, "I am a Christian. Here I stand. God helps us all." 

Are you man enough for Christ? Or would you give way to men's pressure?

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama