Ang authority natin ay ang Biblia, hindi ang halimbawa ng ibang simbahan
Sa espirituwal na pamumuhay, ang ating final authority ay ang Biblia. Basic iyan sa mga Cristiano at wala akong kilalang Bible Christian who will say otherwise. Ngunit in practice, iba ang ating ginagawa.
Bakit tayo nagtitipon? Bakit tayo may prayer meeting? Bakit may mga activities? Any answer other than ang mga ito ay makatutulong sa paglago ng simbahan at pagtibay ng mga Cristiano ay in practice nagpapakitang mayroon tayong ibang authority sa ating buhay espirituwal.
Don't get me wrong. Walang masama sa paggaya sa iba (benchmarking good community of practice- basahin ninyo yung blogs ko last year tungkol sa mga ito) but if you're doing it for the sake na manggaya, that is functional idolatry and spiritual keeping up with the Joneses.
If we adopt a practice, make sure to adapt to our needs first. Kaya natin ito ginaya dahil kailangan natin, hindi dahil gusto nating matulad sa iba.
Ito ang pagkakamali ng Israel ba gustong maging kagaya ng ibang mga bansa. Pinagpalit nila ang kanilang unique status for the sake of conformity.
Ang ating priority ay ituro ang evangelio at patibayin ang mga nanampalataya. Lahat ng programs o practices na ating i-a-adopt ay dapat nagpapalakas sa mga ito. Anumang programs o practices na mag-aalis ng empasis sa mga ito in favor of doing it for the sake of doing it is bound to distract from the main thing.
Hindi ang ating emotions or personal caprices ang basehan ng ating pamumuhay. Ang ating automatic ay ang Salita ng Diyos.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment