Sinugatan ng mga kakampi
Zacarias 13:6 At sasabihin ng isa sa kaniya, Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga bisig? Kung magkagayo'y siya'y sasagot, Iyan ang mga naging sugat ko sa bahay ng aking mga kaibigan.
Sa Zacarias 13:6 tinatanggi ng mga huwad na propeta ang kanilang asosasyon sa idolatriya. Sa Kaharian, sa harap ng matuwid na Hari, walang nais na masabihang mananamba sa idolo. Sasabihin nilang ang mga sugat na kanilang natamo ay nakuha mula sa bahay ng kanilang mga kaibigan, sa halip na bahagi ng mga ritong pagano gaya ng ginawa ng mga propeta ni Baal, 1 Hari 18.
Mayroong kaparehong sugat na natatamo ang Kasulatan. Pero hindi gaya ng mga huwad na propetang ito na excuses lang ang sugat, ang Kasulatan ay aktuwal na sinusugatan ng kaniyang mga kaibigan.
Sino ang mga kaibigang sumusugat? Ang ating mga teologong binabasa ang Kasulatan sa liwanag ng kanilang mga teolohiya.
Sa halip na basahin ang Kasulatan ayon sa kaniyang sariling diwa, binabago nila ang Kasulatan upang umayon sa kanilang paboritong guro o tradisyong denominasyonal.
Madalas ang Kasulatan ay nagiging tampulan ng tukso ng mga hindi mananampalataya dahil mas literal pa silang bumasa ng Kasulatan kaysa sa mga teologo.
Case in point, iniibig ng Diyos ang buong mundo. Ngunit ayon sa ating mga teologo, iilan lamang ang iniibig ng Diyos at ang iba ay layon ng Kaniyang pagkapoot. Nauunawaan ko kung bakit tinatakwil ng mga infidel ang Diyos ng Biblia.
Another case in point: si Cristo ay namatay para sa lahat ngunit ayon sa ating mga teologo, si Cristo ay namatay lamang sa iilang paborito and the rest of the world ay walang pag-asa maligtas dahil hindi sila pili. Nauunawaan ko kung bakit tinatakwil ng mga infidel ang ganitong konsepsiyon ng Diyos. Mas maawain pa ang mga infidel kaysa sa Diyos.
Mas malaki pang damage ang nakukuha ng Kasulatan sa maling gamit ng mga teologo kaysa sa mga ginagawa ng mga infidel.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment