Pasukan na naman

 


Pasukan na naman. Nangangahulugan itong papasok nang maaga at uuwi nang gabi. Nangangahulugan itong yung mga araw ba dati ay nagagamit sa ministri ay gagamitin sa pagtatrabaho. Unless of course ang trabaho ay tinuturing mong ministry which in many ways it is, Col 3:23-24.

Sa parte ng mga magulang, dagdag gastos, mas maagang paggising upang masigurong makapapasok ang mga bata nang tama sa oras, at karagdagang puyat dahil kahit gabi ay gumagawa ng mga assignments ng mga bata. 

Sa parte ng mga estudyante, mas maagang paggising, walang pa-ML-ML, at dagdag na mga trabaho. 

Sa parte ng mga guro, dagdag na paper works at mas malalim na pakikipagkapwa tao. 

Sa mga kagaya kong bivocational ministers/Bible teachers, nangangahulugan ito ng hating atensiyon sa gawain ng Panginoon at sa gawain ng sanlibutan, how ever noble.

Nangangahulugan ito ng karagdagang stamina upang magampanan ang lahat ng obligasyon sa eskwelahan nang hindi napababayaan ang obligasyon sa simbahan. 

Nangangahulugan ito na may mga Sabadong sa halip na magamit sa simbahan ay gagamitin sa paaralan. 

Nangangahulugan ito ng karunungan kung paano balansehin ang mga prioridad at paano gamitin ang oras at enerhiya sa pinakaepisyenteng paraan. 

Nangangahulugan itong kailangan nating lumapit sa Panginoon upang bigyan tayo ng lakas sa karagdagang gawaing ito.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama