Nakaiskor ako ng mga Bibles
Kanina sa paglilinis sa Brigada, nakadiskubre ako ng isang kayamanan - maraming pocket Bibles ang nakalagay lang sa gilid. Ang mga Bibles na ito ay bahagi ng pinamigay ng Gideons sa mga paaralan. Marahil sobra ang mga ito at nakaligtaan sa pagkakatago.
Sayang naman kaya hiningi ko ang mga ito. Maaari itong ipamigay sa simbahan upang gamitin sa seryosong pag-aaral ng Salita ng Diyos.
To be honest, hindi ako fan ng mga paraphrases (loyal ako sa Ang Biblia at Ang Bagong Ang Biblia) pero mas mabuti na ito kaysa wala.
Hindi ito full Bibles na may OT at NT, pero NT lang at Awit. Mas mabuti na ito kaysa wala.
Maliliit din ang mga titik nito pero mas mabuti na kaysa wala. Hopefully, ang mga kabataan ay mababasa pa ito.
Magagamit ito sa pag-aaral ng Salita ng Diyos.
Walang dahilan ang mga kapatid na nakababasa pa (dahil sa maliit ang mga titik, mauunawaan ko kung hindi ito paborable sa matatanda) na wala silang Bibliang mababasa o walang pambili ng Biblia.
Imagine na may tiket ka sa Lotto na nakakalat lang sa gilid. Nanalo ang tiket ba ito pero malibang i-redeem, wala itong pakinabang. Ganuon din naman, nakalagay lang sa gilid ang mga Bibles na ito, at ang mga ito ay higit na mahalaga kaysa sa anumang loterya, at kung hindi ito maipamahagi sa mga kamay ng mga kapatid, basahin at isagawa, wala itong pakinabang.
Nawa pahalagahan natin ang mga sakripisyo ng mga unang Cristiano upang masigurong bawag isa sa atin ay may karapatang makapag-ari at makabasa ng mga Biblia sa sarili nating wika.
Huwag nating sayangin ang oras, pera at enerhiyang inubos ng mga tagapagsalin upang mabasa natin ang Biblia sa wikang Filipino.
Huwag nating sayangin ang perang ginastos ng Gideons, isama pa ang oras at enerhiya sa pamamahagi, upang mailagay sa kamay ng bawat interesado ang Biblia sa sarili nilang wika.
Tanging ang kaalaman ng Biblia ang magliligtas sa atin sa pagmamalabis ng mga relihiyonistang gustong gawin tayong alipin ng kanilang mga espekulasyon.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment