Nahikayat ng masamang pita ng laman

 


Santiago 1:14 Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat.

Sa v13, binanggit ni Santiagong may mga tuksong (negatibo't limitadong gamit ng PEIRASMOS) dapat takasan. Hindi katulad ng PEIRASMOS ng 2-12 na dapat yakapin nang may kagalakan, ito ay hindi mula sa Diyos (v13).

That makes sense ngunit in practice, maraming sinisisi ang Diyos sa mga negatibong konsekwensiya ng maling desisyon.

Nakarinig ako ng Cristianong nagsasabing sinusubok siya ng Diyos at kaya siya dumaraan sa ekonomikong paghihirap. Nakalimutan niyang banggiting kung hindi siya sumiping sa hindi niya asawa, marahil hindi siya nagpapalaki ng mga anak nang walang asawa. 

Nakarinig ako ng Cristianong nagtatanong sa Diyos kung bakit hindi maayos ang kaniyang pamilya. Nakalimutan niyang mainitin ang kaniyang ulo at lumayo ang loob ng kaniyang mga anak dahil sa kaniyang kahigpitan. Ayon kay Santiago, ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos.

Kung hindi mula sa Diyos, saan galing ang mga ito? 

"Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat." Ang direktang tugon ni Santiago ay mula sa masasamang pitang humihila at humihikayat sa kaniya. Samakatuwid, ang mga tuksong ito ay hindi mula sa Diyos kundi mula sa aspeto ng kaniyang pagkataong laban sa Diyos. 

Kapag tayo ay nakikinig sa masamang pita ng ating laman, ang resulta ay solisitasyon sa kasamaan at kasalanan. 

Kung magsapupo man tayo ng negatibong konsekwensiya, wala tayong sisisihin kundi ang ating mga sarili.

Ngunit hindi pa huli ang lahat. Hangga't buhay ka pa, maaari kang magbago at gumawa ng mabubuting desisyong magreresulta sa pagbabago ng negatibong direksiyon ng iyong buhay. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)






Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama