Maayos na komunikasyon at pagtutulungan


 

Ang Diyos ang awtor ng pamilya. Nang likhain Niya ang tao, nilikha Niya ito sa paraang nagbibigay-halaga sa pamilya. Binigyan Niya ng asawa si Adan at binigyan ng kapangyarihang humayo at magpakarami. Ganuon din nang lumikha Siya ng espirituwal na pamilya (ang Simbahan), nilikha Niya ito sa paraang bawat mananampalataya ay awtomatikong bahagi ng Simbahang ito, miyembro man sila o hindi ng isang lokal na simbahan. 

Ito ay patunay na mahalaga ang pamilya sa Diyos. 

Ngunit gaya nang naranasan ninyo, anumang asosasyon ng mga taong makasalanan ay laging lumilikha ng problema. Mayroong hindi pagkakasundo, mayroong sigalot at minsan ay hayagang pag-aaway. Ang nakalulungkot ay karamihan sa mga ito ay maiiwasan kung bukas ang linya ng komunikasyon at mayroong kooperasyon sa miyembro ng pamilya, sa laman man o sa espirituwal.

Sa sandaling ang linya ng komunikasyon ay mawala o kaya ang maghari ay pagkakaniya-kaniya sa halip na kooperasyon, ang pamilyang iyan ay nasa bingit ng kamatayan. 

May mga taong masyadong mapagmataas na akala nila ay kaya nila ang lahat. Kapag ito ay nahaluan ng likas ng sekretibo, ang mapanganib na kombinasyong ito ay resipe sa kapahamakan. Ang natural na tendensiyang magsikreto plus ang mataas na pagtingin sa sarili ay nangangahulugang hindi ka hihingi ng tulong sa iba hanggang sa mahuli ang lahat. 

By the time na maisipan mong humingi ng tulong, sunog na ang iyong mundo at ang mga tao sa paligid ay nababalot na ng resentment. Ito ay magreresulta sa siklo ng destructive behaviors dahil iniisip mong lahat ay kalaban mo at wala kahit sinong para sa iyo. Lalalim ang neurosis at maaaring psychosis. 

Kung malakas ang pamilya, bukas sa anumang paghibik ng tulong, maiiwasan ang pagkawasak na ito. Anumang krisis, gaano man kabigat, ay masosolusyunan kung bawat isa ay may pag-ibig sa bawat isa at handang magpakumbaba at humingi ng tulong.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama