Huwag padaya

 


Santiago 1:16 Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid.

Sa v2-12 sinabi ni Santiagong dapat nating yakapin ang PEIRASMOS ng Diyos nang may kagalakan sapagkat ito ay lumilikha ng pagtitiis at kasakdalan ng karakter, nagbibigay ng panloob na pagpapala at sa Bema ay putong ng buhay. 

Ngunit sa v13-16 binabanggit ni Santiago ang PEIRASMOS na hindi galing sa Diyos at hindi dapat tanggapin nang may kagalakan. Ito ay galing sa masamang pita ng tao at dapat na takasan. Ito ay nagreresulta sa kasalanan at ang bunga ay kamatayan. 

Hindi mahirap na makita ang katotohanang ito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung nagnasa ka sa iyong kapitbahay na may asawa at iyong sinipingan, at ito ay nadiskubre ng mister, ang bunga nito ay kamatayan. Kung ikaw ay nagnasa sa kayamanan ng iyong kapitbahay at inakyat mo upang nakawan at ikaw ay nasukol ng pulis... Kung nagmadali kang yumaman at nagtinda ng droga... Sa mga halimbawang ito, makikita natin ang kamatayan bilang bunga ng pagsunod sa masamang pita ng laman. 

Sa v16 sinabi ni Santiagong huwag padaya mga kapatid. Anumang magandang alok ng laman, ito ay temporaryo at walang eternal na halaga. Hindi ito magbibigay ng pangmatagalang satispaksiyon at kasiyahan. Alam iyan ni Moises, Heb 11:25.

Huwag tayong pabulag sa matatamis na pangako ng laman. Gaya ng sabi ni Moises sa dalawa't kalahating tribo: alamin ninyong masusumpungan kayo ng inyong kasalanan. Salin: may araw ng kabayaran. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama