Banal kapag Linggo

 


Nakita ko ito sa Facebook and I agree. Hindi mo madadala ang Cristianismo sa Lingguhang gawain lamang. 

Nakalulungkot na para sa maraming mananampalataya, inisiip nilang kapag nakasimba na sila kada Linggo, natiis ang dalawang oras ng nakababagot ng sermon at nakapag-abuloy na, nagawa na nila ang kanilang Cristianong obligasyon. 

It doesn't work that way. 

Hindi mo kailangang maging iskolar ng Biblia upang ma-realize ang katotohanan nito. 

Ang mga bagay na ating napakikinggan at natututunan kada Linggo ay kailangang makasusumpong ng praktikal na aplikasyon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kung nag-aaral lang tayo ng Science isang oras sa isang Linggo, sigurado akong hindi ka papasa sa LET for Science majors. Ganuon din naman, kung ang Cristiano ay hindi regular na mag-aaral ng Salita ng Diyos ngunit aasa lamang sa once a week na Bible studies (assuming na nakinig at hindi nakitsismisan lamang sa katabi), hindi rin tayo lalago sa espirituwal na buhay. 

Ang Cristianismo ay isang lifestyle. Hindi ito religious check boxes na ating tsetsekan every time na tayo ay makapagsimba at makapag-abuloy. Ang bawat pag-iisip, salita at gawa natin ay dapat ginagabayan ng Salita ng Diyos. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama