Ang mayamang pinababa ay dapat magalak
Santiago 1:10 At ang mayaman, dahil sa siya'y pinababa: sapagka't siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.
Ang epistula ni Santiago ay isang praktikal na sulat sa mga mananampalatayang Judiong nasa Diaspora kung paano tanggapin ang mga pagsubok nang may kagalakan. Marami tayong matututunan sa sulat na ito patungkol sa ating hinaharap sa kasalukuyan.
Ayon kay Santiago kailangan natin ng karunungan ay ito ay mahihingi mula sa Diyos na nagbibigay nang may kasaganaan at walang panunumbat. Ito ay garantisadong sasagutin kung hihilingin nang may pananampalataya at walang pag-aalinlangan sapagkat ang nag-aalinlangan ("may dalawang akala") ay walang matatanggap sa Diyos.
Kailangang magkaroon ng positibong tugon ang mahirap na kapatid. Ang tamang tugon ay magmapuri sa kaniyang mataas na kalagayan kay Cristo Jesus. Maaaring mababa siya sa mata ng sanlibutan ngunit kay Cristo siya ay tagapagmana ng Diyos.
Paano ang kapatid na mayaman? Dapat din siyang magmapuri ngunit sa ibang dahilan.
"At ang mayaman, dahil sa siya'y pinababa." Ang mayamang Cristianong humaharap sa mga pagsubok ay dapat magmapuri dahil siya ay pinababa. Samakatuwid, may pagkakataon siyang malagay sa sitwasyong wala siyang ibang aasahan kundi Diyos. Sa pagsubok ng buhay, napagtanto niyang sa mata ng Diyos, walang mayaman o mahirap, lahat ay may oportunidad na gumamit ng biyaya sa araw ng pagsubok.
"Sapagka't siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo." Kung paanong ang bulaklak ng damo ay naluluoy kapag ang mainit na silanganin ay umihip mula sa disyerto, ganuon din naman, ang mga pagsubok ay nagbababa sa mayamang mananampalataya.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment