Keep It Simple: Juan 3:16
Juan 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
May abbreviation ang mga 'Kano: KISS- Keep It Simple Stupid. Hindi ko sinasabing stupid ka, pero marahil may makukuha kang aral dito.
Kung minsan nadadala tayo ng sarili nating galing, hindi natin namamalayang nagsasalita na tayo sa hangin. Hindi na tayo nauunawaan ng ating kausap dahil komplikado na ang ating sinasabi.
Ang pinakamahusay na guro sa Simbahan ay hindi ang may pinakakumplikadong paraan ng pagtuturo. Kung umuwi ang iyong tagapakinig na walang naunawaan sa iyong tinuro, gaano man ito kaganda, wala itong pakinabang. Ikaw ay tinawag upang magpakain ng tupa, hindi magpakain ng giraffe. Ibaba mo sa maaabot ng mga tupa ang kanilang espirituwal na pagkain.
It doesn't matter kung ilang puntos pa iyan, kapag walang nakaunawa, sarili mo lang (at ang Diyos) ang nakakaunawa. Nagsayang ka lang ng laway at sinayang mo ang oras ng mga Cristiano.
Imagine kung ang kausap mo ay unbelievers na walang nananahang Espiritu ng Diyos? Sa tingin mo mauunawaan nila ang mga komplikadong doktrina ng Kasulatan patungkol sa kaligtasan?
Natatawa ako at nalulungkot (hindi ko alam na posible pala ito) kapag nakakarinig ako ng evangelism na may banggit na imputation of sin, 3 aspects of salvation at kung anu-ano pang doktrinang kahit karamihang matagal nang nagsisimba ay hindi nauunawaan. Kung hindi ito maunawaan ng Cristianong may Espiritung nananahan sa kaniya, paano mo ine-expect na maunawaan ito ng unbeliever?
Sure, ang Espiritu ang magko-convict ng unbelievers ng kanilang pangangailangan kay Cristo. Kahit ang pinakamalabong paliwanag ay maaaring gamitin ng Espiritu upang magligtas. Ngunit tandaan nating ang Espiritu ay ginagamit ang Salitang ating binabahagi at kung malabo pa sa putik ang ating presentation, pinapahirap natin sa Espiritu ang trabaho ng pagpapaunawa sa tao. Remember, the Spirit will not save a man apart from his faith and if he could not understand your message, how will he believe it?
Madalas ito ang dahilan kung bakit napakaraming tanong. Nagtatanong sila dahil hindi malinaw ang iyong paliwanag. Keep it simple.
Noong nakaraang Mayo 1, walang isa man sa aking kinausap ang nagtanong nang maraming tanong. Ito ay dahil I keep my message simple at sila mismo ang aking pinabasa ng Juan 3:16. Sila mismo ang bumuo ng konklusyon sa pamamagitan ng leading questions. Alam nila kung ano ang mensahe, at alam nila kung ito ay katanggap-tanggap o hindi. May lalaki akong kausap na harapan akong sinabihang hindi niya matatanggap ang aking mensahe. Nagpasalamat ako sa kaniyang honesty. At least naunawaan niya, alam niya ang isyu, at ito ay kaniyang tinanggihan. Hindi niya masasabing hindi niya naunawaan ang evangelio. Sadyang mas mahal niya lang ang kaniyang relihiyon at mga gawa at ito ay hayag niyang sinabi.
Hindi natin kailangan ng mga kumplikadong paliwanag sa evangelio. Kailangan lang nating maiparating sa kanila ang esensiyal na katotohanan - kailangan nilang manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. That's it. Avoid chasing rabbit trails. Stick with that message.
Ang Juan 3:16 ay isang napakagandang teksto for this purpose. Walang paligoy-ligoy. Either accept it or not. Believe- eternal life. Disbelieve - perish. Huwag na nating pahirapan pa.
Kapag sila ay nanampalataya na at ligtas na at may Espiritung nananahan sa kanila, go, teach all the doctrines na gusto mong ituro. Ituro mo ang 7 imputations dahil ito ang backbone ng soteriology. Ituro mo ang role ng grace, faith, works, repentance, etc. May Espiritu na sila kaya capabale na silang unawain ito. Ituro mo na ang 40 riches in Christ, ituro mo na ang positional at practical truths, ituro mo na ang aspects or tenses of salvation, ang relationship ng grace at law, etc. Lahat ito ay kailangan niya upang lumago sa pagkaunawa ng Biblia.
Pero sa evangelism, keep it simple. Ano ang kaniyang problema? Kasalanan. Ano ang solusyon? Si Cristo. Ano ang dapat gawin? Manampalataya. Period. How hard is that? How complicated is that? Maybe you can give one or two verses for assurance or security. But do not make it complicated.
Focus on grace. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. Huwag ninyong gawing komplikado ang mensahe ng buhay.
Comments
Post a Comment